-CHAPTER 18-

764 26 6
                                    

PARANG mailap ang antok kay Rosa nang gabing iyon. Kahit ano’ng palit niya ng posisyon sa pagtulog ay hindi pa rin siya makatulog. Siguro ay dahil iyon sa nangyari kanina sa shop. Iyong pagbigay sa kaniya ng matandang babae ng antique porcelain doll ng libre. Kadalasan kasi sa mga ganoong bagay ay hindi mo nakukuha ng libre bagkus ay may kamahalan na halaga iyon.

Pagpihit niya sa kaliwa niya ay agad na tumambad sa mukha niya ang porcelain doll na nakatihaya na nakahiga sa tabi ng kama niya. Tiningnan niya iyon at nagulat siya ng bigla na lamang pumihit ang mukha nito at bumaling sa kaniya. Pero agad naman iyong bumalik sa normal nitong posisyon nang ikisap niya ang kaniyang mata. Guni-guni lang niya lang ba ang nakita niyang pagpihit ng ulo nito?

Imbes na matakot ay kinuha niya ang manikang iyon at inilapit sa kaniya. Niyakap niya iyon na para bang isang importanteng bagay. Masaya kasi siya dahil sa edad niyang dalawang po’t lima ay ngayon lang siya nagkaroon ng manika. Buong pagkabata niya ay gustong-gusto niyang magkaroon niyon. Tanging mga paper dolls lang ang nagagawa niya na yari sa ginupit na papel kaya labis ang saya niya na natupad na ang matagal na niyang ninanais.

Ulila na si Maria Rosa Isabel sa tatay nang mamatay iyon sa isang malubhang sakit noong bata pa siya. Nasa puder siya ng nanay niya kasama ang step father nito nang mga panahon na iyon. Hindi naging maganda ang trato ng step father niya sa kaniya dahil pinagsasamantalahan siya nito. Nasira ang dignidad niya noong siya ay katorse lamang. Natatakot siyang magsumbong sa nanay niya dahil alam niyang hindi naman siya nito paniniwalaan dahil sa mas mahal pa nito ang step father niya kesa sa kaniya na sarili nitong anak.

Tumagal ang pambababoy sa kaniya ng amain niya ng ilang taon hanggang sa hindi na niya nakayanan pa iyon. Aksidente niyang napatay ang step father. Agad naman siyang tumakas sa puder ng nanay niya. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan hanggang sa mabundol siya ng isang kotse. Himala naman na minor injuries lang ang natamo niya. Inako ng may-ari ng kotse na iyon ang gastos sa pagpapagamot niya. At nang malaman ng mga ito na wala na siyang mauuwian ay pinatuloy siya sa bahay ng mga ito. Nagtrabaho siya bilang katulong sa mag-asawang Jaime at Bea Javier. Sa pagkaka-alam niya ay dalawang taon nang kasal ang mag-asawa pero hindi pa ito nagkakaroon ng anak. Baog daw ang ma’am Bea niya at iyon ang dahilan.

Nagulat si Rosa nang makarinig siya ng tatlong mahinang pagkatok sa pinto ng kwarto niya. Itinabi muna niya ang manika at dahan-dahan naman siyang bumangon sa kama niya para buksan ang pinto.
Pagbukas niya nang pinto ay nagulat siya ng bumungad sa paningin niya ang sir Jaime niya. Namumungay ang mga mata nito at nangangamoy ito ng alak.

“B—bakit ang tagal mo namang buksan ang pinto, Rosa?” nabubulol na tanong niya.

“Pasensiya na po. Ano po ba ang kailangan niyo, Sir Jamie—” Nagulat si Rosa nang halikan siya ni Jaime at kinabig siya nito. Napaatras pa siya sa sobrang gulat.

Agad namang pumasok si Jaime sa loob ng kwarto niya at agad na sinarado at ni-lock ang pinto.

“Paligayahin mo ako, Rosa...” paanas na sabi nito sa kaniya. Ibang-iba na ito sa normal na Jaime na nakilala niya. Para itong asong ulol na nagkakandarapa sa kaniya. Totoo ba ito? Totoo bang tumalab ang spill na nabasa niya sa librong itim? Alam niyang ang librong itim ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang sir Jaime niya. Binasa niya kasi sa librong itim na iyon ang isang spill kung paano mapapasakaniya ang taong ninanais niya. Walang iba kundi ang sir Jaime niya.

Matagal na siyang may pagtingin sa amo niyang lalaki. Dahil siguro sa kabutihan nito ay nahulog ang loob niya. Gwapo rin naman kasi ito at maswerte talaga rito ang asawa nito. Wala naman sigurong masama kung magkagusto siya sa lalaking may asawa na. At isa pa ay hindi pa niya naranasan pa ang magkaroon ng nobyo kaya ganoong na lang ang pagkasabik ni Rosa sa isang lalaki.

KABIYAK (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon