---oOo---"SA tingin mo, mapagkakatiwalaan ba natin ang bagong babysitter ni baby Ethan?" Nabaling ang tingin ni Miguel sa gawi ni Aria nang biglang siyang magsalita. Kagagaling lang nila sa Laguna habang pauwi na ng kanilang bahay. Tuwing biyernes ay maaga silang umuuwi sa kanilang bahay mula sa Laguna kung saan naroon ang malawak na ektarya ng taniman ng mga gulay na pagmamay-ari nila. Namana pa nila ang negosyong iyon mula sa yumao niyang mga magulang. Kilala ang vegetable farm nila hindi lamang dito sa pilipinas maging sa labas ng bansa. In-export kasi ito sa iba't-ibang panig ng mundo. Magaganda kasi ang kalidad ng mga gulay sa farm nila. Sila rin ang nagsisilbing supplyer sa ilang malalaking malls sa kamaynilaan. Sila lang kasi ang meron vegetable farm na may kakaibang klase ng mga gulay. Fresh na fresh din kasi at walang halong kimikal dahil natural nila iyong inaalagaan. Ilang dekada na rin namamayagpag ang negosyo nilang iyon simula pa ng ang mga magulang pa lamang niya ang nagpapatakbo niyon. Mabuti na lamang at may alam din siya sa pagpapa-unlad ng negosyo nila kaya hindi na rin siya nahihirapan pa. Nagpapasalamat din naman siya sa asawa niyang si Miguel. Hindi kasi nito pinapabayaan sa pagpapatakbo ng negosyo nila.
Dahil abala sa pagpapalago ng negosyo ay tuwing weekend lamang sila nakaka-uwi. Iyon lang ang araw na pwede silang magpahinga. Kailangan kasi ay tutok sila sa negosyo nila. May pinagkakatiwalaan din naman sila na nagma-manage ng vegetable farm nila tuwing weekend.
"Hindi ko alam pero sa tingin ko ay mapagkakatiwalaan naman siya."Sagot ng asawa niya habang nakatuon parin ang atensiyon sa pagda-drive.
"Sa tingin ko ay parang iba siya sa ibang babysitter ni baby Ethan..."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Saglit na napatingin ang asawa niya sa gawi niya at ibinalik agad nito ang atensiyon sa dinadaanan nila.
"Hindi ba't anak siya ni Magda? Kaya parang malakas ang kutob kong kagaya rin siya ni Magda." Aniya.
"Kagaya na ano--" Pagkasabi niyon ng kanyang asawa ay bigla na lamang napansin ni Aria na mali na ang lane na dinadaanan nila. Lumagpas sila sa right lane. Mukhang hindi yata iyon napansin ng asawa niya iyon dahil bigla itong napatingin sa kanya. Agad naman niyang tinabig ang manibela para mailihis sa ibang direksyon ang sasakyan nila. Muntik na kasi itong mabangga sa nakasalubong na sasakyan. Mabilis naman naapakan ni Miguel ang preno ng kotse.
"What tha hell, Miguel! Magpapakamatay ka ba?! Look what have you done! Muntik na tayong mabangga sa ginawa mo!" Bulyaw niya rito. Nakahinto na ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Hindi ko naman sinasadya, a! At isa pa ikaw pa 'tong galit? Ikaw nga 'tong kumaka-usap sa akin habang nagmamaneho ako, e!" Bwelta nito.
"Okay! Fine! Ako na ang may kasalanan. But please lang, be careful next time! Gusto ko pang makita ang anak ko!" Pagkasabi niya niyon ay agad naman niyang inaayos ang pagkaka-seat belt niya. Si Miguel naman ay binuhay na ulit ang sasakyan ay umuwi na sila.
___•••___
"MIGUEL pagod ako..." Reklamo ni Aria nang maramdaman niya ang paglakbay ng mga kamay ng asawa niya sa dibdib niya hanggang sa huminto ito roon sa pagitan ng kanyang hita. Natutulog na kasi sila sa kwarto nila ng gabing iyon. Dahil sa pagod na naramdaman ay mukhang wala siyang gana sa gustong gawin ng asawa niya.
"Sige na... Pagbigyan mo na ako, Aria... Sabik na sabik na akong angkinin ka." Paanas na bulong nito sa kanya. Nakapikit pa rin siya dahil hindi niya magawang imulat ang kanyang mga mata sa labis na antok. Naiintindihan naman niya ang asawa niya sa inaasal nito. Isang linggo rin naman kasi na hindi na sila nakakapagtalik kaya alam niyang tigang na tigang na ito at gusto na nitong ilabas ang init ng katawan nito. Pareho na kasi nilang nakalimutan ang bagay na iyon dahil subsob sila pareho pagpapalago ng negosyo nila. Hindi naman sa ayaw niyang magkipagtalik sa asawa niya, nawawalan lang kasi siya ng gana kapag sobrang pagod ang katawan niya.

BINABASA MO ANG
KABIYAK (Part Two)
HorrorIsang simpleng babae lang si Ciara na may pangarap na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Nakipagsapalaran siya sa maynila para hanapin ang dating pinagtatrabahuhan ng kanyang nanay para pumasok bilang katulong. Pero paano kung may madidiskubre si...