Sanidee's POV
Napatingin nalang ako sa salamin ko nang lumabas na ang gurong si Miss Marie. Gaya ng ibang guro kanina, nagpakilala lang siya pagkatapos ay nagbanggit ng ilan sa mga rules niya sa klase. Nakakainis nga e. May rules rin siya gaya ng ibang pumasok sa klase namin maliban kay Mr. Celestino. Mabuti pa 'yon walang rules. Ganon nalang dapat sana e. Para hindi kami nasasakal na mga estudyante dito sa loob ng klaseng ito.
Akala ko pa naman mawawala na ang lecheng rules na yan kapag lumipat ako rito pero hindi pa rin wala. Nakakabwisit. Isa iyon sa mga kinakainis ko sa pagiging isang estudyante.
Bakit ba kasi kailangan naming sundin ang mga rules ng isang guro? Tsaka, in the first place, porket ba sila ang mas mataas sa amin sa klase ay may karapatan na silang pasunurin kami sa kung ano lang ang gustuhin nila?
Limitado lang ang galaw namin. Ang daming bawal. Kesyo bawal daw gumamit ng gadgets sa loob ng klase at kung anu-ano pa.Nakakairita.
Isa ito sa mga sumisira ng araw ko.
"Why so pretty Sanidee?" tanong sakin ng katabi kong si Carmella.
"Nasa lahi lang yan. Look oh, maganda ka rin naman." Tinapat ko sa kanya ang hawak kong salamin at nagtawanan kami.
"Wednesday is also pretty, diba?" sabi ko at saglit na tumingin kay Wendy na tila ba malalim ang iniisip.
Hindi niya yata narinig ang sinabi ko kaya nagwave ako sa harapan niya. At tama nga ako. Malalim ang iniisip niya ngayon. Ang weird ah. First day palang namin rito pero parang may kakaiba na kaagad sa kanya. Hindi naman siya ganyan sa pagkakaalam ko. Nagkakaganyan lang siya kapag may ipinagtataka siya at may mga tanong na bumabagabag sa kanya.
"S-sorry," aniya at napakusot sa mga mata niya dahil ngayon lang siya ulit kumurap.
"No problem. May problema ba? Bakit parang ang lalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Carmella. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Wendy at tinitigan ako.
"Ano ba. Ayos lang ako girls. Kulang lang siguro ako sa tulog." Inalis ni Wendy ang mga kamay ni Carmella at ngumiti. Napangiti nalang rin ako dahil mukhang wala naman pala akong dapat na ikabahala. Napuyat lang siguro siya kaya siya tulala kanina.
"Next time kasi matulog ka na ng maaga. Tama na ang kakapanuod ng teleserye sa tv. Ipahinga mo nalang yan mamaya kapag nakauwi ka na, ha?" Ngumiti ako sa kanya at tinanguhan niya lang ako. Malakas naman ang tiwala kong susundin niya ang sinabi ko dahil kaibigan niya ako.
"Anong oras na ba? Bakit wala pa rin si Mr. Celestino?" tanong ko kay Wendy nang maalala ang sinabi ng adviser namin kanina. Pasado alas quatro na rin kasi at konting oras nalang ay uwian na namin.
Napatingin naman siya sa wrist watch niya tsaka muling tumingin sakin. "Its already 4:45. Sa tingin niyo ba babalik pa yun?" Kunot-noo niyang sabi at iglap na tumingin kay Carmella.
"Ewan ko. Siguro. Mukhang importante ang sinabi niya e. You know what girls, kinakabahan ako today sa di malamang dahilan." Nakipagtitigan samin si Wendy.
"Seryoso? Ako rin e. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit," sabi ni Carmella.
"Ako rin. Kanina pa 'to," sabi ko.
Totoo naman kasi e. Kanina pa ako nakakaramdam ng kaba sa loob ng klaseng ito sa mga oras na lumilipas na hinihintay namin ang pagbabalik ni Mr. Celestino. Kakaiba. Oo. Kakaiba talaga. Hindi naman ganito ang naramdaman ko noong unang beses na nakita ko siya pero pagkatapos ng mga sinabi niya, nagsimula na ang pakiramdam kong iyon.
"May napapansin rin kayo sa kanyang kakaiba hindi ba?" Tumango lang kami sa tanong ni Wendy.
"He's really creepy. Hindi lang halata sa itsura niya. Alam niyo, piling ko, may tinatagong sikreto ang guro na iyon."
"Ano 'yon Carmella?"
"I don't know. But we have to find out soon habang nandito tayo sa loob ng paaralang ito." Nagkatinginan na naman ulit kami.
"Simula bukas at sa mga susunod na araw, oobserbahan natin ang mga ikinikilos niya," nakangising sambit ni Carmella kaya naman napagaya nalang kami ni Wendy sa kanya.
Anong sikreto mo, Mr. Celestino?
Mr. Celestino's POV
Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang naglalakad patungo sa section ko. Ang Section Opposite. Masaya ako dahil sa unang araw ng klase nila ngayon ay isasagawa ko ang aking unang hakbang sa pagangkin ng buhay at katauhan nila. Hindi nila mapapansin na nangyayari na pala iyon sa oras na nasa katawan na nila ang itim na candy na ginawa ko na gaya rin ng ginamit ni Laura noon sa mga estudyante niya noong nabubuhay pa siya.
Nang dahil sa tulong ng itim na candy na iyon, makakalikha ako ng isang nilalang na kamukhang-kamukha nila. Ito ang tinatawag kong opposite. Ngunit ang mga opposite na ito ngayon ay hindi hamak na mas masama pa sa una kong nagawa. Dahil sa pagkakataong ito, hangad ng mga opposite na iyon na patayin ang mga taong pinagbasehan sa kanila upang sila ang pumalit sa pwesto ng mga ito.
Nakakatuwa talaga sila.
"Magsitahimik ang lahat," sabi ko habang naglalakad papunta sa gitna.
Mabilis na tinignan ko sila isa-isa upang makita ang mga reaksyon nila sa mga oras na ito. Mga hangal. Wala silang kamalay-malay na sa gagawin nila mamaya ay mapapasama ang mga buhay nila sa mga kamay ko. Napangisi tuloy ako. Naiisip ko na ang mga bagay na paguguluhin ko pagkatapos ng araw na ito.
"Alam niyo ba ang tungkol sa welcome gift ng Section Opposite?" Nagsipag-ilingan lang sila sa sinabi ko. Tama nga ako. Mas mabuti na rin iyon na hindi nila alam. Baka magalinlangan pa silang kainin iyon oras na maipamigay ko na.
"Dahil mga bago kayong estudyante ng section na ito, nais kong ipaalam sa inyo na mayroong ibinibigay na regalo sa bawat estudyante na napapabilang rito." Nilabas ko ang pulang telang nasa kaliwang kamay ko. Inilapag ko ito sa mesa at binuksan upang ipakita sa kanila ang bagay na iyon.
"Kumuha kayo ng itim na candy na iyon isa-isa. Pagkatapos, ay sabay-sabay niyo itong kakainin maliwanag ba?" Tumahimik bigla ang lahat. Nagkatinginan sila at ang ilan ay nagbubulungan pa. Mga bwisit. Rinig na rinig ko pa rin ang mga nakakainis nilang boses mula rito sa pwesto ko.
"Magsimula tayo sa unahan." Pagkasabi ko nun ay tumayo na ang unang estudyante na si Arno. Napatingin ang mga kaklase niya sa kanya habang papunta siya sa gitna at kumuha ng isa.
Tumayo na rin ang iba pagkatapos niya at nagkanya-kanya na ring kuha. Napangiti nalang ako nang makitang maubos na ang itim na candy sa pulang tela. Mga tanga. Ipinapahamak nila ang sariling buhay sa mga kamay ko.
"Pumikit kayong lahat," utos ko na sinunod naman nilang lahat.
"Ngayon, kainin niyo ng sabay-sabay," sabi ko at napangisi ako nang makitang isubo na nila ang itim na candy na parang wala lang. Ang hindi nila alam, simula palang ito ng mga magiging pagbabago.
Sisiguraduhin kong magiging masaya ang pag-aaral nila rito.
-----
A/N: Annyeong! Guys, baka po madelay ako ng update sa mga susunod na araw dahil magiging busy po ako ngayon sa pageenroll ko sa college. But don't worry. Maga-update pa rin ako. As soon as possible. Btw, nagustuhan niyo ba ang update ngayon? Comment below for your reactions and concerns.P.S Kung gusto niyong makilala kung sino si Mr. Celestino, basahin ang story kong "Celestino University". Konektado kasi lahat ng mga sinusulat ko. Haha. Halos lahat ganon. Salamat ♥
BINABASA MO ANG
The Opposite 2
Horror"Sa pagkakataong ito... hindi mo na siya po-protektahan. Dahil, isa siya sa iyong mga makakalaban."- Mr. Celestino | Highest Rank: #39 in Horror