Napasigaw siya ng malakas dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng isang tao sa kanyang braso. Hindi niya tukoy kung sino ito dahil nakapiring ang kanyang mga mata at nakaposas naman ang kanyang dalawang kamay. Tanging pagsigaw at pagmamakaawa lamang ang ginawa niya ngunit hindi siya pinansin ng taong iyon.
Napalingon siya sa kaliwa nang marinig ang isang pamilyar na boses. Boses ng isa sa mga kaklase niya. Noong una'y inakala niyang ang magkasama'y silang dalawa lamang. Ngunit nagkamali siya. Dahil bukod sa kanila'y kasama rin pala nila ang iba nilang kaklase. Lahat sila. Magkakasama at pare-parehas may piring ang mga mata at may posas ang mga kamay upang hindi sila makatakas.
"Tulong! Tulungan niyo kami!" sigaw niya habang pilit na kumakawala sa pagkakaposas niya. Subalit hindi niya ito kinaya. Sumakit lamang ang mga kamay niya at maliban doon, isang malakas na sampal ang naramdaman niya sa kanyang pisngi na nakapagpatigil sa paglalakad nila.
"Tumahimik ka." Kilala niya kung kaninong boses iyon. "Kayo rin." Napalunok siya ng mariin. "Ayaw niyo naman sigurong mamatay ng wala sa oras, hindi ba?" Hindi man niya makita ang mukha nito, siguradong-sigurado siya na nginingisian sila nito ngayon.
"O-opo. A-ayaw po naming mamatay." Nagiyakan na ang mga kaklase niya habang siya'y natahimik lang at walang imik-imik.
Maya-maya pa'y naramdaman na naman niya ang mahigpit na pagkakahawak sa kanyang braso. Pinigilan niyang mapasigaw sa sakit sa pangambang may gawin itong masama sa kanya kapag nagingay siya. Napaiyak na lamang siya at napausal ng dasal na sana hindi totoo itong mga nangyayari ngayon.
"Nandito na tayo." Masayang sabi ng taong iyon sa kanila.
"Nasaan na kami? Saan niyo kami dinala?!"
"Pakiusap, tigilan niyo na 'to! Pakawalan niyo na kami!"
"Gusto ko nang makauwi! Mommy, Daddy!"
Napaatras siya sa kinatatayuan niya nang makarinig ng tila ba may nasaksak sa isa sa kanila. Biglang tumahimik ang buong paligid. Nawala ang mga nagiiyakan at natataranta kanina. Nabalot ng kaba ang bawat isa sa kanila.
Sino ang may gawa nun?
Naramdaman niyang may nagtanggal ng posas niya at ng piring sa kanyang mga mata. Ilang segundo muna ang hinintay niya bago niya minulat ang kanyang mga mata upang hindi siya mabigla sa mga susunod niyang makikita.
Napatakip siya ng bibig.
"B-bakit mo siya pinatay?" Nanghina ang mga binti niya dahil sa nakita. Duguan ang isa sa kanila at may tama ito ng saksak sa dibdib kaya imposible pang makaligtas ito.
"Bakit nga ba?" Ngumisi ito. Tumingala muna bago muling itinuon ang atensyon sa kanya.
"Lumayo ka sa kanya!"
Napatingin siya sa kanan nang marinig ang boses ng isa sa kanyang kaklase. Mga wala na ring piring at posas ang mga ito. At halos lahat sa mga ito ay nagulantang rin sa nakita. Nagsigawan ang iba habang ang ilan ay natulala lang dahil sa nasa harap nila ngayon.
"Kasi hindi naman ako ang kaklase niyo, e." Tumawa ito na parang isang baliw. Nakatitig lamang siya rito habang ang iba niyang kaklase ay nagaatrasan na dahil sa kakaibang aura nito.
"Kung hindi ikaw, bakit magkamukha kayo?" Naguguluhan niyang sabi na hindi man lamang nito binigyang kasagutan.
"Paalam mga hangal." Ngumisi ito bago lumakad. Napasunod nalang siya dito at nagulat siya nang matuklasang nakakulong pala sila ngayon na parang isang preso.
Nakalabas ang huwad na kaklase nilang iyon at may pinuntahan ito. Sa kabilang kulungan na gaya ng sa kanila. Mas lalo siyang nagulantang nang makita ang mga kaklase niya doon. Nagpapalit-palit siya ng tingin. Sa kulungan nila, at doon. Walang ipinagkaiba. May mga tao doon na kamukhang-kamukha nila.
Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari.
"Good day ladies and gentleman. Nandito tayong lahat ngayon sa arena upang saksihan ang isang kapana-panabik na labanan. Sa pagitan ng mga original students," tinutok sa kanila ang spotlight. "...at ng kanilang opposite." Tinutok sa kabilang kulungan ang spotlight.
"So, let's start with..."
-----
A/N: Hanggang diyan na muna. Bibitinin ko muna kayo. Hahahaha. Malalaman niyo ang kasunod niyan sa kalagitnaan ng story. So, now. May idea na ba kayo kung anong mga mangyayari? Pero bago yon, siyempre, sisimulan natin sa umpisa. Susunod na!Vote and comment po kayo ^o^
BINABASA MO ANG
The Opposite 2
Horor"Sa pagkakataong ito... hindi mo na siya po-protektahan. Dahil, isa siya sa iyong mga makakalaban."- Mr. Celestino | Highest Rank: #39 in Horror