4. Cruel Adviser

174 32 27
                                    


Mr. Celestino's POV

Napangisi na naman ako nang makita ang takot sa mukha ng ilan sa kanila. Sa kabilang banda, naiinis ako at baka mahalata ng mga itong nagpapanggap lang akong mabait upang mapaamo sila na tila mga tupa. Nais ko sanang makuha ang loob nila ng mabilis sa paraang alam ko ngunit mukhang may mga hahadlang sa plano kong iyon.

Mga bwisit na estudyante.

"Ngayon, simulan na natin ang pagpapakilala." Pinilit kong ngumiti at naupo na sa upuan ko na nasa harap ng mesa.

Nagkatinginan sila dahil sa sinabi ko. Oo nga pala. Hindi ko nabanggit kung saan magsisimula ang pagpapakilala. Saan nga kaya? Dito sa harapan sa lalaking seryoso na ito? O doon sa likod sa babaeng kinakabahan na sa mga sandaling ito?

Alam ko na.

"Magsisimula tayo sa likod." Napatingin sila sa likod ng klase. "Ikaw." Tinuro ko ang babaeng kanina pa hindi mapakali ang mata sa kakatingin sa buong klase.

"A-ako po?" Paguulit pa nito na tinanguhan ko lang bago makitang umayos na ng upo ang ilan sa mga estudyanteng nandito.

"Magpakilala ka," utos ko na sinunod naman niya agad.

Tumayo siya ng tuwid at saglit na tinapunan ng tingin ang ilan sa mga kaklase niya. Nakakatawa. Halatang kinakabahan siya. Hindi ko sigurado kung dahil ba nasa kanya ang atensyon naming lahat o napansin niya ang mabilis na pagngisi ko kanina. Pero alinman sa dalawa, nagagalak ako.

Ganitong mga klase ng estudyante ang gusto kong pahirapan at paglaruan.

"M-my name is Stachy VonIvy. Nice to meet you," sabi nito at mabilis na naupo sa upuan niya.

"Mystery Wyndall. Ikinagagalak kong makilala kayo," sabi ng sumunod na estudyante hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang kanilang nakakairitang pagpapakilala.

Binaling ko na lamang ang aking atensyon sa pulang tela na hawak ko. Nasa loob nito ang mga itim na candy na siyang gagamitin ko upang lumikha ng opposite ng mga estudyanteng nandito. Gaya ng ginawa ni Laura noong nasa Marcelino University pa siya.

Sa totoo lang, hindi maipaliwanag ang sayang naramdaman ko nang mapagtagumpayan niya ang larong iyon. Perpektong-perpekto. Napaka-saya at talagang kaabang-abang ang mga susunod na eksena nung araw na iyon. Lahat ng estudyanteng kalahok, at ang mga section na naging parte rin ng laro ay nagkaroon ng magandang role sa nangyari.

Nainis lang ako dahil muntikan nang masira ang lahat nang dahil sa isa sa mga estudyante. Ang plano ay mamamatay ang lahat ngunit hinayaan ni Laura na may mamatay na isa. Bwisit. Labis na pagkainis ang naramdaman ko kaya naman ako na ang tumapos sa buhay niya.

Pagkatapos ng laro, napagpasyahan kong muling lumikha ng opposite. Ngunit sa pagkakataong ito ay magiging kalaban na ng orihinal. Nakaisip rin ako ng laro na siyang magpapaganda sa mga plano kong paglaruan ang mga estudyante sa section na ito. Gaya pa rin ng dati. Section Opposite pa rin ang mga gagawin kong kalahok.

Walang mababago.

"Arno Chris Dorian. Nice meeting you," ang sabi ng huling estudyanteng nagpakilala bago ito maupo.

Napatingin sila sakin nang tumayo ako mula sa pagkakaupo at muling pumwesto sa gitna. Ang mga mapanghusga nilang mga mata ang siyang nagbibigay sakin ng saya na masimulan ang mga plano ko sa lalong madaling panahon. Sisiguraduhin ko munang magiging perpekto ang lahat bago ko ito simulan. Nakahanda na ang lahat at walang kahit na anong magiging problema. Nang sa gayon ay maging masaya at kapana-panabik ang araw na iyon na aking pinaghahandaan.

Maghintay lang kayo. Dahil sa mga susunod na araw, marami ang magbabago.

Napangisi nalang ako sa mga naiisip ko.

The Opposite 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon