*FLASHBACK*
"Grabe no? Sa ganda niyang iyan hindi mo aakalain na ganoong klase siya ng babae."
"Shit! Kung alam ko lang na ganon ka matagal na sana kitang pinormahan."
"Hindi ba't siya iyong may kumakalat raw na scandal ngayon sa twitter? Kadiri naman."
"Diba bestfriend mo yan? Alam mo bang may scandal iyang kaibigan mo?"
Ilan lang ang mga iyan sa mga kanina ko pa naririnig habang naglalakad ako papunta sa klase namin. Hindi ko na nga lang sila pinapansin dahil hindi naman makakatulong sa akin ang mga pinagsasabi nila. Pero kahit na ganon, naaapektuhan pa rin ako.
Sino ba namang hindi masasaktan kung may kumalat na chismis tungkol sa iyo na wala namang katotohanan? Alam ko. Alam ko na wala iyong katotohanan. Dahil hindi naman talaga iyon nangyari. Gawa-gawa lang iyon ng taong gustong manira sa image ko sa school. Kung sino ang taong iyon? Hindi ko rin alam.
Kahit na anong paliwanag mo sa kahit na sino ay walang maniniwala sa'yo. Dahil kalat na kalat ang video na iyon kung saan kita ang mukha ko habang nakikipagtalik sa isang lalaking estudyante dito rin sa school namin.
Ang nakakapagtaka pa, naka-blurred ang mukha ng lalaki sa video habang iyong sa babae naman ay kitang-kita. Kitang-kita ang mukha ko. Medyo madilim ang kuha ng videong iyon pero kita mo pa rin talaga. Pero sa maniwala kayo't sa hindi, hindi talaga ako iyon.
Sa totoo lang, pinacheck ko na ang videong iyon sa isang expert at napatunayan kong edited lang talaga ang video. Ang babaeng nasa viral scandal ay hindi talaga ako. Kung hindi ang babaeng nagpakamatay sa school namin 2 years ago.
Si Bernadette Trinidad.
Tumalon siya sa rooftoop noong eksaktong uwian kaya naman nakita ng lahat ng estudyante ang pagkamatay niya. Bumagsak ang katawan niya malapit sa flagpole. Basag ang bungo niya at dilat siyang binawian ng buhay habang nakangiti. Oo. Nakangiti siya. Hindi ko ito noon maintindihan kung bakit. Pero ngayon, mukhang alam ko na. Dahil matatakasan na niya ang kahihiyang ginawa niya pagkatapos niyang ivideo ang pagtatalik nilang dalawa ng lalaki sa video.
Hindi ko pa rin kilala kung sino ang lalaki sa video.
"O! Nandito na ang sikat nating kaklase!" bungad ng kaklase kong si Jeremy nang makita ako sa labas ng klase.
Nagpalakpakan ang buong klase nang makapasok ako sa loob. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdan ako ng kirot sa dibdib ko habang naglalakad ako papunta sa pwesto ko. Hanggang sa makaupo na ako ay nakatingin pa rin sila sa akin na labis kong dinamdam. Panay pa rin kasi ang parinig nila sa akin tungkol sa scandal na iyon. Paniwalang-paniwala talaga sila na ako ang nasa video kahit na hindi naman talaga.
Tumahimik lang sila nang pumasok na ang teacher namin sa Science na si Mr. Gomez.
Ang akala ko ay sisitahin niya ang buong klase dahil naabutan niya ang mga ito na pinagkakaisahan ako. Ngunit hindi ganon ang ginawa niya. Nginitian at kinindatan pa niya ang iba sa mga ito na para bang planado nila ang ginawa nilang pagpapahiya sa akin noong araw na iyon.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang nakakadiring ngiti ng manyak na guro na iyon sa akin habang nakatitig sa dalawa kong mga mata. Hindi ko rin makakalimutan ang mga pinagsasabi ng buong klase sa akin na wala namang katotohanan.
Ang buong akala ko ay kakayanin kong pumasok sa klase sa kabila ng kumalat na pekeng video na iyon pero mukhang hindi pala. Hindi ko kaya. Mahina ako. Nanghihina ako. Hindi ko na kayang magtagal pa sa lugar na ito dahil habang tumatagal ay parang unti-unti akong pinapatay nito.
At bago pa ako tuluyang may masabi sa kanilang hindi maganda, kinuha ko ang bag ko at nagmamadali akong lumabas ng klase na hindi man lang lumingon sa mapanghusga nilang mga mata.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad palabas ng school habang nakatingin ang lahat sa akin. Rinig na rinig ko ang mga boses nila pero hindi ko na iyon pinansin pa. Nagpatuloy lang ako sa paglakad palabas hanggang sa may mabangga akong isang estudyante nang palabas na ako ng gate.
Natulala ako nang makita ko kung sino ang nabangga ko. Si Yumi. Isa siya sa mga taong matagal ko nang kilala na hindi ko lubos akalain na may tanim na galit o inggit pala sa akin. Kung bakit? Tingin ko naiinggit siya sa kasikatan na meron ako sa school. Minsan niya nang nasabi sa akin na gusto niya ring maging sikat gaya ko. Gusto rin niyang maranasan na binabati ng lahat ng estudyanteng nakakasulubong niya. Gusto niyang pinupuri siya ng iba. At gusto niyang pinag-uusapan siya sa lahat ng bagay na ginagawa niya.
Saglit akong natigilan dahil sa naisip kong iyon. Hindi kaya...
"Hindi naman siguro ikaw ang may gawa nito no?" Ngumiti lang siya sa sinabi ko sabay hawi ng buhok sa noo niya.
"Ano sa tingin mo?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
Pakiramdam ko nanghina ang buong katawan ko nang sandaling iyon at hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Siya mismo ang nagsabi. Inamin na niya. Pero bakit?
"Naiirita na kasi ako sa tuwing nakikita kitang masaya. Hindi naman yata tama na ikaw lang ang pinapansin at pinupuri ng mga estudyante dito. Samantalang ang dami ring magagaling na estudyante dito bukod sa'yo. Hindi yung puro ganda lang." Tumawa pa siya pagkatapos niyang sabihin ang mga kataganng iyon.
Nakatingin lang ang mga taong dumaraan sa amin at ang ibang estudyante. Walang gustong tumulong sa akin na tumayo ng maayos sa kabila ng panghihina na nararamdaman ko. Ganito pala ang pakiramdam na ayaw sayo ng lahat. Masakit. Nakakapanghina.
"Ano, Merlin? Kaya mo pa ba? Talo ka na. Wala ka nang magagawa pa."
Iyon ang mga salitang huling sinabi niya bago niya ako iniwan sa labas ng school na nag-iisa. Nakatulala lang ako ng ilang minuto sa pwesto ko doon hanggang sa maramdaman kong unti-unti na akong nawalan ng ulirat. Nang magising ay nasa bahay na ako at nagpapahinga na sa kwarto ko.
*END OF FLASHBACK*
BINABASA MO ANG
The Opposite 2
Terror"Sa pagkakataong ito... hindi mo na siya po-protektahan. Dahil, isa siya sa iyong mga makakalaban."- Mr. Celestino | Highest Rank: #39 in Horror