13. Something's Wrong

101 27 29
                                    


Nicky's POV

"Sino ba ang balak niyong unahin sa kanila?" tanong ni Venice.

"Pwede bang unahin natin si Angelu? Gusto ko kasing paglaruan ang mga manliligaw niya," sabi ni Angelu na sinabayan niya ng pagtawa.

"Please, pwede ba, ang unahin natin ay sina Wendy at Arno. Nagkakamabutihan na ang dalawang iyon e. Bwisit," mariing sabi ni Stachy na may kasamang pag-irap.

Napangisi lang ako habang nakatingin ako, at pinakikinggan ko ang paguusap nila. Talagang nais nilang maging kagaya ko. Na naangkin ang buhay at pagkatao ng taong pinagbasehan sa akin upang maging tunay.

Ang maging isang orihinal ay ang isa sa mga hangad naming mga opposite. Dahil ayaw naman namin na may kahati kami sa bawat taong may kinalaman samin at syempre, hindi pwedeng dalawa ang mabubuhay. Isa lang dapat at dapat, kami lang iyon.

Kami ang matitira.

"Nasaan na ba ang mga iyon? Bakit wala pa rin sila hanggang ngayon?" tanong ni Arno kaya napakibit balikat lang kami.

Hindi pa rin kasi bumabalik hanggang ngayon sina Mystery at Veronica matapos kong dalhin dito sa loob ng bahay ang katawan ng totoong Carmella. Hindi ako sigurado ngunit mukha yatang may ginawang pagkilos ang dalawang iyon nang hindi sa amin nagpapaalam. Para sa akin ay ayos lang naman iyon dahil nagsisimula na silang manggulo at baguhin ang mga bagay-bagay.

Ang katawan ng totoong Carmella'y minabuti ko munang itago o ikulong sa isa sa mga kwarto rito nang sa gayon ay hindi siya makatakas. Binusalan ko ang kanyang bibig at ginapusan siya sa kanyang dalawang kamay at paa. Mahirap na. Ayaw naman naming mabwisit habang nasa loob siya ng bahay na ito kaya maigi nang manahinik siya.

Nagrequest kasi sa akin ang opposite ni Carmella. Tinawagan niya ako noong recess para sa bagay na iyon. Nababagot na kasi siya sa bahay kaya nais niyang palitan ang totoong Carmella. Nais niya raw makihalubilo sa mga kaklase nito at siyempre, suportado ko siya sa bagay na iyon. Dahil sa kanya, may makakasama na ako sa klaseng iyon. Hindi na ako ang nagiisang opposite. Hindi ko na kailangang makisama sa kanila dahil meron na akong makakasama. At iyon ay si Carmella.

"O, bakit ngayon ka lang? Nasaan si Mystery" tanong ko kay Veronica nang makapasok na siya dito sa loob. Napatingin sa kanya ang iba pang nandito sa bahay at tinanong siya ngunit hindi pa rin siya sumagot.

"Wala ba kayong balak na tumulong?"

Napatingin kami sa sunod na pumasok. Si Mystery. Bitbit niya ang katawan ng isang lalaki na nakasuot lang ng sando at boxershorts. Hindi ko matukoy kung sino ito pero natitiyak kong isa ito sa mga orihinal. Napangisi tuloy ako. May binabalak rin pala ang dalawang ito kaya bigla silang umalis kanina.

"Ano? Titingin nalang talaga kayo? Mga bwisit," inis na sabi ni Mystery kaya nagsikilos na rin ang iba.

Tinulungan nilang ibaba ang katawang bibit ni Mystery sa sofa at doon inihiga. Nang makitang magsimula itong gumalaw ay tinanggalan nila ito ng piring tsaka pinagtawanan. Napangisi lang ako habang pinagmamasdan ang totoo at kaawa-awang Aric na ito na isa na ngayon sa mga bihag namin rito.

"Alvexander? Zirithel? Anong ibig sabihin nito?! Pakawalan niyo 'ko!" sigaw ni Aric at sinubukang makawala sa pagkakagapos niya. Ngunit nasaktan lang siya kaya hindi na niya ito inulit pa. Isa-isa nalang niyang tinapunan ng tingin ang mga nakapalibot sa kanya na tila ba nagtatanong kung anong ibig sabihin nitong mga nangyayari ngayon. Pero ni isa, walang nagsalita.

"Ikaw, Nicky? Pakana mo ba 'to? Ikaw ba ang nagutos sa mga kaibigan at kaklase ko na gawin sa akin ang bagay na 'to, ha?!" Tumingin siya sa direksyon ko at tinitigan ako ng matalim. Napatayo tuloy ako sa inuupuan ko ng wala sa oras at lumapit sa hinihigaan niya.

The Opposite 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon