40: Let's Start the Game

87 4 6
                                    


Angelu's POV

Nang sandaling maglaho kami nang sabay-sabay ay napatulala ako. Napapikit rin ako. Ang nasa isip ko kasi ng mga sandaling iyon ay tatapusin na kami ng mga kaklase ko.

Ngunit hindi ganoon ang nangyari.

Sapagkat nang minulat ko ang mga mata ko'y nagulat ako nang malamang nasa bahay na pala ako. Gulat na gulat nga rin ang kapatid kong si Yuan nang bigla akong sumulpot sa harapan niya. Nasa kusina siya ngayon at kumakain ng paborito niyang oatmeal. Muntikan pa nga siyang mabilaukan na labis kong ikinatawa.

"O, ate! Saan ka nanggaling? Paano ka napunta diyan?"

Hindi makapaniwala ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatitig sa akin ng diretso. Lumapit pa siya sakin at hinawakan ang braso at pisngi ko. Sinisigurado siguro na ako talaga ang ate niya. At hindi basta isang nilalang lang na bigla na lang sumulpot sa harapan niya.

Kung pagtripan ko kaya itong kapatid ko?

Natawa ako bigla sa pumasok na plano sa isip ko.

"Saan ako nanggaling?" Tumawa ako saglit. "Sa ano..."

"Saan?"

Napatayo siya sa upuan niya nang mag-iba bigla ang aura ko. Naging mabalasik ang mga mata ko at napaka-talim ng titig ko sa kaniya. Halata ang takot sa mukha niya habang nakatingin sa mga mata ko. Napakuha siya bigla ng kutsilyo sa nasa likod niya at dumistansya sa akin ng konti sa pagaakalang may gagawin akong hindi maganda sa kaniya.

Kapatid ko nga siya talaga.

"'Wag kang lalapit! Hindi ikaw ang ate ko!" Gusto ko siyang tawanan sa mga sandaling ito ngunit hindi ko magawa dahil mabubuko niya ako. Konti pa. Konting takot pa sa mukha ni Yuan at titigil ko na itong kalokohan kong ito.

"Lumayo ka sa kaniya Yuan! Isa siyang impostor!"

Sabay na napatingin kami ng kapatid ko sa taong nagsalita. Natigilan ako saglit at parang natuyuan ako ng laway sa lalamunan ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Totoo ba ito? Grabe. Kinikilabutan tuloy ako.

"Sino ka?" tanong ko rito.

"Ikaw ang sino ka? Papaano ka nakapasok rito sa loob ng bahay namin ng kapatid ko? Impostor ka!" Pinandilatan ako nito ng mata sabay baling ng tingin sa kapatid ko.

Shit.

Baka mapaniwala niyang siya ang totoong Angelu at hindi ako.

"Ano bang nangyayari?! Sino sa inyo ang Ate ko?!" Napasabunot sa buhok niya si Yuan. Gulong-gulo ang kapatid ko habang nakatingin sa aming dalawa nitong kamukha ko. Ginagaya ako nito. Hindi tuloy ako makakilos ng natural dahil parang binabasa niya ang mga galaw ko.

"Ako Yuan! Ako ang Ate mo!" sabi ng impostor na iyon habang tinuturo ang sarili niya.

Natawa lang ako sa ginawa niya.

"Ikaw? Wala ka bang gagawin para paniwalaan kitang ikaw ang ate ko?" Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Wala."

Yumuko ang kapatid ko pagkatapos ay ngumisi. Huli ka ngayon. Kilala ako ng kapatid ko. Hindi mo siya maiisahang impostor ka.

"Alam ko na kung sino sa inyo ang impostor," ani Yuan habang nilalaro ang hawak niyang kutsilyo.

"Ako Yuan! Ako ang ate mo!" sabi pa nung impostor na iyon.

Tumigil na sa paglalaro ng kutsilyo ang kapatid ko. Ilang saglit pa, ibinato niya ang kutsilyo sa impostor na iyon. Ngunit laking gulat naming dalawa nang maglaho ito bigla na parang bula. Nakakita kami ng itim na usok sa kinatatayuan nito kanina ngunit tuluyan nang nawala ang impostor na iyon.

The Opposite 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon