Veronica's POV
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla nalang sumama ang pakiramdam ko habang nanunuod ako ng tv sa may sala. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang pakiramdam ko ngunit habang nagpapatuloy ako sa panunuod ay unti-unti na nasagot ang katanungan kong iyon.
Bigla nalang ako napatakip sa bibig ko habang hindi inaalis ang aking tingin sa telebisyon at habang pinapakinggan ang sinasabi ng reporter na nandoon. Namuo nalang nang mabilis ang luha sa mga mata ko nang dahil sa mga natuklasan ko. Napakabilis ng mga nangyari. Sa isang iglap, wala na siya.
"Nandito tayo ngayon malapit sa Florentino University kung saan isang estudyante ang natagpuang patay. Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin ng mga pulis kung sino ang nasa likod ng krimeng ito na hinihinalang nangyari kaninang umaga lamang. Sa mga sandaling ito ay nasa mga magulang na ang katawan ng biktima at ang hiling nila'y magbayad ang sinomang nasa likod nito," saglit na tumigil ang reporter at tumingin sa cellphone na hawak niya.
"Nalaman rin namin na sira ang cctv na nandito kaya naman hindi natin masabi kung sino ang pumatay sa estudyanteng si Hislane Sheen Tayori na nagtamo ng malaking sugat sa kanyang ulo na hinihinalang mula sa malaking bato na nasa tabi ng katawan niya kanina," muli itong huminto at tumingin sa cellphone na hawak.
"Nakausap na rin namin ang may-ari ng Florentino University na si Mr. Florentino tungkol sa insidenteng ito. Nakikiramay siya sa pagkamatay ng isa sa mga estudyante niya at nangako siyang tutulong sa paghahanap sa taong may gawa nito. Yan ang balita dito, ako si Mark Selvañez, nag-uulat." Ngumiti ang reporter na iyon na diretsong nakatingin sa camera.
Napakurap ako bigla ng mata nang tila makita ko si Hislane na nakatayo malapit sa mga usisero't usisera na malapit sa reporter. Lalapit sana ako sa telebisyon upang makumpirma kung totoo ang nakita ko ngunit bigla nalang silang nawala. Napahilamos ako sa mukha nang aksidenteng maapakan ko ang remote. Labis akong nainis dahil doon. Sinubukan kong ibalik doon sa channel kung saan ibinalita si Hislane ngunit ibang balita na ang pinaguusapan nila.
Napabuntong hininga nalang ako habang walang ganang nakatingin sa telebisyon. Nakakainis. Sayang. Sayang dahil hindi ko nalaman kung totoo nga yung nakita ko o talagang namamalikmata lang ako. Alam kong imposible iyon pero hindi mo pwedeng dayain kung ano ang pinapalabas nila sa madla. May mali. Pakiramdam ko may mali. Hindi ko nga lang ito masabi dahil naguguluhan na ako sa mga sandaling ito.
Pinahid ko na ang mga luha ko at agad na tinawagan ang bestfriend kong si Merlin upang sa kanya alamin ang totoo.
"Oh? Napatawag ka?" bungad niya sakin sa kabilang linya?
"Totoo bang patay na si Hislane?" diretso kong tanong.
"Oo. Kababalita nga lang sa kanya kanina e. Bakit, hindi mo pa ba alam?"
"Alam ko. Kapapanood ko lang rin ng balita. Hindi ko lang maintindihan kung bakit parang nakita ko siya sa balita kanina." Napakunot ang noo ko nang tawanan ako ni Merlin.
"Siyempre makikita mo siya sa balita kasi siya yung biktima," aniya matapos kong tanungin kung bakit siya tumatawa.
"Hindi mo ko naiintindihan. Nakita ko talaga siya. I swear. Nakatingin siya sa camera. Nasa tabi lang siya ng mga taong nandoon sa likod ng reporter," seryoso kong sabi kasabay ng paglingon ko sa paligid nang makarinig ako ng ilang hindi pamilyar na ingay.
"Bes, h'wag ka ngang praning. Patay na si Hislane. Pinatay siya. 'Wag mong tinatakot ang sarili mo. Alam mo, sa tingin ko, namamalikmata ka lang," aniya.
Magsasalita pa sana ako ngunit huli na dahil pinutol na niya ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako. Pinatay ko na rin ang tv at pagkatapos ay nagtungo ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig para mahimasmasan. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi rin maalis sa utak ko ang imaheng iyon ni Hislane na walang buhay kahit na black and white naman ito na pinakita sa tv kanina.
BINABASA MO ANG
The Opposite 2
Horror"Sa pagkakataong ito... hindi mo na siya po-protektahan. Dahil, isa siya sa iyong mga makakalaban."- Mr. Celestino | Highest Rank: #39 in Horror