Merlin's POV"Good day ladies and gentlemen. Nandito tayong lahat ngayon sa arena upang saksihan ang isang kapana-panabik na labanan. Sa pagitan ng mga original students," tinutok sa amin ang spotlight. "...at ng kanilang opposite." Tinutok sa kabilang kulungan ang spotlight.
Sandali akong napalunok ng laway dahil sa narinig ko. At sa nakikita kong kamukha namin ng mga kaklase ko doon sa kabilang kulungan kasama ang huwad na William. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga iyon pero iba ang kutob ko sa kanila. Mapanganib sila. Nakasisiguro ako. Hindi pa man nagsisimula ang laro na ito pero umiinit na ang dugo ko sa kanilang lahat. Lalong-lalo na sa kamukha ko. Hindi ako makakapayag na angkinin niya ang pagkatao ko at siya ang papalit sa akin sa mundong ito. Hinding-hindi. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya na ginawa pa siya ni Mr. Celestino. Ipapatikim ko sa kaniya ang lakas ko oras na magkaharap kaming dalawa.
Ako ang tatapos sa kaniya.
"So, let's start with..."
Napatingin ako sa mga kaklase ko nang marinig naming magsisimula na ang laro. Hindi ko alam kung papaano nila pinipili ang kalahok pero kailangan kong maging handa anoman ang mangyari. Wala akong ideya sa magiging takbo ng buong laro na ito pero handa akong gawin ang lahat para manatiling buhay hanggang sa huli. Dahil sa mga sandaling ito naman ay nasa bingit na kami ng kamatayan. Kaya wala na kaming pagpipilian pa. Kung hindi ang lumaban para sa mga buhay namin.
"Merlin Kaye Sanchez."
Napaangat ako ng ulo nang sandaling marinig ko ang buong pangalan ko. Napatingin sa akin ang mga kaklase ko at wala silang kahit na anong sinabi sa akin. Nagpalitan lang kami ng tingin hanggang sa marinig na bumukas ang kulungan na kinaroroonan namin.
Lumabas ako nito at nagtungo sa gitna ng arena kung saan may isang mahabang lamesa na punong-puno ng iba't'-ibang kagamitan na maaari mong gamitin sa pakikipaglaban. Kutsilyo, itak, palakol, chainsaw, at kung ano-ano pa. Nanatili lang akong nakatitig sa mga ito hanggang sa makita kong lumabas na rin ang opposite ko sa kabilang kulungan. Pumunta ito sa kabilang dulo ng lamesa at pumili ng bagay na nasa aming harapan.
Espada. Iyon ang kaniyang kinuha. Hindi ko alam kung anong gagamitin ko para malabanan siya pero isang ideya ang pumasok sa isip ko na baka sakaling gumana kapag nagharap na kaming dalawa. Hindi na ako nag-atubili pa at kinuha ko ang isang mahabang kadena upang ipangtapat sa kaniya. Nakita ko naman ang nakakairitang pagngisi niya nang sandaling magtama ang aming mga mata.
"Sa tingin mo talaga ay mapapaslang mo 'ko gamit ang walang kwentang kadenang iyan? Kalokohan." Ngumisi muli ito at inirapan ako bago muling nagsalita. "Wala kang utak."
"Tignan na lang natin." Ngumiti ako at nakita ko ang inis sa mukha niya.
"Kung gusto mong angkinin ang pagkatao 'ko, talunin mo muna 'ko. Patayin mo 'ko. Hindi iyong puro ka yabang. Wala ka namang binatbat." Ngumisi ako at isinabit sa leeg ko ang kadena.
"Ano? Natatakot ka na ba?" tapang-tapangan kong sabi habang nakatitig lang sa kaniya.
Ilang sandali pa ay napaatras kami nang sandaling makarinig ng kakaibang tunog at hudyat na magsisimula na ang laban. Napatingala ako. Nakita ko ang timer at nakaset ito sa 10 minutes. Nang libutin ko ng tingin ang paligid, marami palang tao ang nanunuod. Hindi ko sila kilalang lahat pero hindi ko gusto ang idea na pinapanuod nila kaming lumalaban hanggang sa mamatay.
Napalunok ako ng laway nang marinig ang boses ni Miss Alvarez. Hindi ako nagkamali. Siya ang mc ng laro na ito at si Mr. Celestino naman ang pasimuno nitong lahat. Ang mga bwisit na iyon. Pinaglalaruan kami para sa kanilang kasiyahan. Leche silang dalawa. Kung alam ko lang na ganito ang kakahinantnan ng pagpasok ko sa Florentino University, hindi na sana ako nag-enroll pa sa paaralan na iyon. Kung hindi lang ako nabulag sa mga bagay na ino-offer nila, wala sana ako sa sitwasyong ito. Kasama ko pa sana ang pamilya ko. Makakasama ko pa sila nang mas matagal.
"Handa ka na ba?" tanong ng opposite ko sa akin nang sandaling umandar na ang timer para sa laban naming dalawa. Napabuntong hininga muna ako bago siya sinugod gamit ang hawak kong kadena.
Narinig ko ang hiyawan ng mga manunuod nang sandaling magsimula na kaming maglaban na dalawa. Bawat galaw ay isang sigaw ang pinapakawalan ko habang nakahawak ng mahigpit sa aking kadena. Hindi ko na nga marinig ang sigaw ng mga kaklase ko dahil nakatuon ang atensyon ko sa aking katapat.
Aminado akong hindi ako marunong o sanay sa pakikipaglaban. Wala akong background pagdating sa ganito pero ginagawa ko ang best ko para hindi matalo sa tunggalian na ito. Ginagaya ko na lang ang mga galaw sa mga napanuod kong action movies at masasabi kong epektibo ito dahil hindi ako magawang masugatan ng aking kalaban. Napapangiti ako ng mabilis kapag ang galaw niya ay aking naiilagan.
"Wala na bang igagaling yan?" ang sabi ko rito.
Pinulupot ko ang espada niya sa aking kadena at hinila ito upang wala na siyang maging armas. Nang makuha ko ito ay tinapon ko ito sa malayo at tumusok ito sa isa sa mga nanunuod. Sandali akong natulala sa nakita ko dahil saktong-sakto sa mata ng lalaking iyon tumama ang espada. Napasigaw ito sa sakit at ilang saglit pa, nahulog ito sa arena na siyang ikinamatay nito. Shit. Hindi ko iyon sinasadya. Patawarin nawa niya ako sa nagawa ko.
"Stupid." rinig kong bulong ng opposite ko.
Nang lingunin ko ito ay napatulala ako nang makitang may bago na itong armas. Leche. Hindi ko inexpect na pwede palang magpalit ng armas sa laro na ito. Ang buong akala ko ay kung ano na ang unang hinawakan mo ay iyon na ang armas na gagamitin mo hanggang sa matapos ang laro. Ngunit hindi pala ganon. Badtrip. Ano nang gagawin ko? Hindi ko alam kung papaano ko tatapatan ang armas na kinuha niya. Masyadong madaya. Pang malayuan.
Isang pana.
"Ano, Merlin? Kaya mo pa ba? Talo ka na. Wala ka nang magagawa pa."
Ang mga katagang iyon...
Naaalala ko pa ang lahat...
BINABASA MO ANG
The Opposite 2
Horror"Sa pagkakataong ito... hindi mo na siya po-protektahan. Dahil, isa siya sa iyong mga makakalaban."- Mr. Celestino | Highest Rank: #39 in Horror