Mr. Celestino's POV
Seryoso at diretso lang ang tingin ko paligid nitong bahay habang nasa terrace ako. Pinili ko ang lugar na ito upang makita ang iba pang eksena sa labanan ng mga opposite. Nasaksihan ko ang kaganapan sa loob kanina kung saan si Kazumi ang nagpakitang gilas. Apat agad ang napatay niya nang walang kahirap-hirap. Mahusay. Napangisi na naman tuloy ako dahil naalala ko ang mga paraang ginamit niya.
Isa siya sa mga opposite sa bahay na ito na masasabi kong maparaan. Ayaw niyang magpahuli. Gusto niya palaging nakakasabay siya at higit sa lahat ay gust niyang matira. Kita ko sa bawat araw niya ang determinasyon na maangkin ang pagkatao ng totoong Kazumi. Ngunit napapaisip pa rin ako. Kasi, kung kayang-kaya naman niyang paslangin ang mga opposite na nandito, bakit hindi nalang ang orihinal na Kazumi na lang ang tapusin niya? Nang sa gayon ay wala na siyang po-problemahin pa, hindi ba? At higit sa lahat, makakamit na niya ang buhay na inaasam niya. Isang normal na buhay para sa kagaya niyang opposite.
Maliban kay Kazumi, may isa pang opposite na nakaagaw ng atensyon ko kanina. Si William. Hindi ko siya makita dito sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung nasaan siya ngunit malakas ang kutob kong nandoon siya sa bahay ng totoong William at isinasagawa ang mga plano niya. Hindi ako sigurado ngunit iyon agad ang ideyang nabuo sa isipan ko nang matuklasan kong siya lang ang wala dito.
Ang lalaking iyon talaga. Para siyang kakambal niya kung magisip. Makasarili. Palaging inuuna ang sarili. Kaya nga namatay agad ang kakambal niya, e. Kasi hindi ko pa man nabibigay ang rule na maaari nilang patayin ang orihinal e isinagawa na niya. Napaka-hangal. Walang utak. Samantalang, noong una palang ay sinabi na ang maaaring kahantungan nila oras na hindi sila sumunod.
Natawa ako sa aking naiisip.
Sayang rin ang Arno na iyon kung tutuusin dahil isa siya sa mga agresibong opposite. Mabilis magisip at lumikha ng plano kaya hindi agad namamatay. Gaya ni Kazumi, malaki ang tiyansa na makasali na siya sa laro dahil apat na ang napapatay niya. Hinding malabong mangyari iyon kung maililigtas niya ang sarili niya oras na kumpleto na ang bilang ng mga magiging kalahok.
Isa siya sa mga inaabangan ko sa laro.
Kaya kong iligtas siya kung sakaling nanganganib na siya dahil ayokong isa siya sa mga mawawala ngayong gabing ito. Hindi magiging maganda ang takbo ng laro sa tingin ko kung hindi siya makakasama. Naiisip ko na nga kung sinu-sino ang mga makakalahok sa laro. At kung tama ako, sana nga makaligtas sila sa gabing ito. Dahil pagkatapos ng gabing ito, bukas kinabukas ay mangyayari na rin ang kapana-panabik na laro.
Kaunting tiis nalang.
Nahinto ang pagmumuni-muni ko nang makita ang paglabas ni Aric mula sa likod ng bahay. Panay ang lingon niya sa paligid at bakas ng takot sa mga kilos niya sapagkat hindi siya mapakali. Hindi niya malaman kung sa kaliwa o sa kanan siya dadaan. Siguro'y naiisip niya agad na may nakaabang na doon kaya hindi niya mahakbang ang kanyang mga paa sa pagtakas.
"Magpakita kayo sakin! Papatayin ko kayomg lahat!"
Mabilis na napatago si Aric sa likod ng mga halaman na nakita niya nang marinig ang malakas na sigaw ni Hislane. Gumuhit ang ngisi sa labi ko dahil nagsisimula na ang mga kapana-panabik na tagpo.
Ano naman kayang diskarte ng mga ito?
Sinu-sino ang mga mamamatay?
At sino ang magiging angat sa kanila?
"Aric! Vince! Zirithel! Helmisus! Magpakita kayo sakin! Labanan niyo ako!" muling sigaw ni Hislane at sa pagkakataong iyon ay nasa labas na siya. At ang hindi alam, nasa tapat lang niya si Aric na nagtatago sa mga halaman. Nakakatuwa.
BINABASA MO ANG
The Opposite 2
Horror"Sa pagkakataong ito... hindi mo na siya po-protektahan. Dahil, isa siya sa iyong mga makakalaban."- Mr. Celestino | Highest Rank: #39 in Horror