17. Good & Bad News

116 25 37
                                    


Nicky's POV

Napatingin kaming lahat sa pinto nang pumasok si Arno. Kanina pa namin siya hinihintay sa totoo lang kaya naman ang daming naiinis sa kanya ngayon. Ni hindi siya nagpaalam sa isa sa amin kaya hindi namin alam kung saan siya nagpunta at kung ano ang pinagkaabalahan niya. Ang isa pa naman sa mga bilin sa amin ni Mr. Celestino ay sabihin ang lahat ng bagay na gagawin ng bawat isa para alam kung ano mga balak namin. Maliban nalang kung ang pakay ay takutin ang mga orihinal. Sa mga ganoong bagay, hindi na kailangang magpaalam pa.

"Saan ka nanggaling?" Bungad ko sa kanya nang makita ko siya.

Napatingin siya sakin at isang pagngisi lang ang tinugon niya. Sinubukan rin siyang tanungin ng iba pa sa amin ngunit hindi pa rin siya sumagot. Napangisi lang rin ako dahil sa inasta niya. Mukha yatang may matatanggal na sa isa sa amin dito ngayong gabing ito.

"Wala ka ba talagang balak sabihin sa amin ang ginawa mo?" tanong ko nang makita ang mantsa ng dugo sa polong suot niya. Siguro hindi niya iyon napansin bago niya nilisan ang lugar na pinanggalingan niya kanina.

"Ano bang sinasabi mo? Wala akong ginawa. Nagpahangin lang ako sa labas gaya ng parati kong ginagawa," aniya at saglit na tinapunan ng tingin si Xaphira. Bakit? Napaisip tuloy ako dahil sa ginawa niya. May alam kaya si Xaphira tungkol dito?

"Umamin ka nga sakin, Xaphira. Totoo ba ang sinasabi ni Arno?" Tumitig ako sa mga mata ni Xaphira baka sakaling malaman ko agad ang sagot sa pamamagitan ng mga mata niya.

"Bakit ako? H-hindi ko alam. Kanina pa ako nandito. Ni hindi ko nga siya nakausap kanina. Diba, Miguel?" Tumango lang si Miguel sa sinabi niya. Ngayon, masasabi ko na ngang may hindi ginawang tama ito si Arno.

"Ngayon, magsabi ka sakin ng totoo. Anong ginawa mo sa labas kanina?" Umiwas siya ng tingin sakin at binaling naman niya ang tingin niya kina Aesir.

"Magsasalita ka ba o tatapusin na kita?" Napatingin siyang muli sakin dahil sa sinabi ko.

"Uulitin ko lang kung ano ang sinabi ko kanina. Nagpahangin lang ako. Maliban doon, wala na. Bahala ka sa buhay mong magisip kung may ginawa man akong mali. Basta ang alam ko, wala. Magsasabi naman ako sa inyo kung sakaling may ginawa ako, diba?" Tumalikod na siya samin at handa nang umakyat papunta sa ikalawang palapag nang bigla ko siyang sugurin at saksakin sa likod.

"Hangal ka," bulong ko sa kanya. Mas diniinan ko pa ang saksak dahil tiyak ko namang hindi sumunod sa utos itong isang 'to. Sa lahat ng opposite na kasama ko dito, siya lang ang bukod tanging matigas ang ulo at may sariling desisyon sa mga gagawin niya.

"Nicky, tama na," rinig kong sabi ni Carmella at hinawakan ako sa braso. Tumingin naman ako sa kanya at isang pagiling lang ang ginawa ko.

"May nilabag siyang utos. Hindi man niya aminin sa harapan natin, nasisiguro kong may ginawang mali ang bwisit na 'to," sabi ko sa kanilang lahat at sinubukan silang tignan isa-isa.

Binunot ko ang pagkakasaksak ng kutsilyo kay Arno at hinarap ko siya sa mga kasama namin.

"Ito," sabi ko at tinuro ang mantsa ng dugo na nasa bulsa ng polong suot niya. Hindi man malaki, sigurado akong nakita nila iyon.

Napatakip ng bibig ang mga babae habang napailing lang ang mga lalaki dahil sa kasalanan nitong si Arno. Napangisi lang ako dahil matatapos na ang isang 'to. Hindi na namin siyang kailangang problemahin dahil tuluyan na siyang mawawala. At ako ang magsasakatuparan ng bagay na iyon.

"Alam niyo naman siguro ang parusa sa mga lumalabag hindi ba?" Nakangisi kong sabi sabay lapit ng bibig ko sa tenga ni Arno.

"Kamatayan," pagkasabi ko nun ay napaatras ang ilan sa kanila habang hindi inaalis ang tingin sa aming dalawa.

The Opposite 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon