19. Save Your Lives (Part 1)

101 20 39
                                    


Kazumi's POV

Nang malaman namin ang nangyari sa kaibigan naming si Xaphira at kung ano ang kalagayan niya, hindi na kami nagatubili pa na puntahan siya sa ospital. Dumiretso na kami agad doon matapos i-anunsyo ni Mr. Celestino na wala kaming klase hanggang biyernes.

Malaki ang pasasalamat namin kay Mr. Florentino sa totoo lang dahil kung hindi niya ginawang holiday ang pasok namin ngayon at sa mga susunod na araw, baka hindi kami magkaroon ng pagkakataon na bisitahin at kamustahin ang kaibigan naming si Xaphira na sa pagkakaalam namin ngayon ay malubha ang kalagayan.

Hindi pa man kami nakakapunta sa room niya, at nakakausap ang doctor niya, ayon sa mga narinig namin habang palabas ng school ay maraming dugo ang nawala sa kanya. At ang dahilan nun ay ang malalim na pagsaksak ni Arno sa kanya ng kutsilyong ginamit sa krimen.

Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa iyon ni Arno. Hindi ko, namin inakala na isa pala siyang kriminal. Ni minsan hindi pumasok sa mga isip namin na kaya niyang gawin ang bagay na iyon. Mabait at palakaibigan. Iyon ang pagkakakilala namin sa kanya. Ngunit sa likod pala ng ugali na pinapakita niya na iyon ay may isa pa siyang katauhan na hindi pinapakita sa iba.

Mapanganib siya at delikado. Iyon ang masasabi ko sa kanya ngayong alam ko na ang totoo niyang pagkatao. Mabuti nalang pala at tuluyan na siyang nawala. Hindi sa gusto ko talaga siyang mamatay pero mas maigi na siguro iyon para wala nang maging problema pa. Kung sakaling nabuhay pa siya, maaring makatakas pa siya at patuloy na gawin ang krimeng ginagawa niya.

May isang bagay lang ako na pinagtatakhan sa pagkamatay niya. Kung siya ang sumaksak kay Xaphira, sino ang sumaksak sa kanya sa dibdib na siyang kinamatay niya? Hindi ba't kataka-kataka iyon? Hindi niya kayang magpatiwakal sa ganoong paraan kung sakaling nagpakamatay nga siya. Pero hindi pa rin e. May mali sa pangyayari. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko may isa pang sangkot sa pangyayaring iyon.

Iyon ang isang bagay na hindi maresolba ng mga pulis hanggang sa mga sandaling ito.

"Renee, okay kalang ba?" tanong ko nang mapansing nakatulala lang siya sa ospital na nasa harapan namin ngayon.

"K-kinakabahan ako. P-paano kung hindi ko makayanan siyang makita sa ganoong klase ng kalagayan?" Bumakas ang lungkot sa boses at mukha niya matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.

"Kailangan nating maging matatag. Alam naman nating malalampasan rin ni Xaphira ang lahat ng pagsubok na 'to e. Siya pa ba? Sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay, imposibleng hindi niya malampasan ito," ani ni Tazzanna at ngumiti. Napangiti nalang din tuloy kami.

"Ano pang hinihintay natin dito? Puntahan na natin siya!" sa sinabing iyon ni Saveena ay napapasok na kaming lima sa loob ng ospital.

Nagtanong agad kami sa nurse nang makapasok kami kung saan ang room ni Xaphira. Ilang minuto lang ang hinintay namin bago namin makuha ang sagot na kailangan namin. Room 67. Ayon sa Nurse, sa 6th floor pa ito matatagpuan kaya naman dumiretso kami agad sa elevator. Kung aakyatin kasi namin ay baka abutin kami ng siyam-siyam. Mamaya e bago namin marating ang room ni Xaphira ay kami namin ang ma-confine dito sa ospital. Baka magkasakit pa kami sa puso kapag nagkataon.

"Anong floor po, ma'am?" tanong ng elevator girl saming lima nang makapasok na kami sa loob.

"6th floor po," nakangiting sagot ni Stachy.

Dumiretso ako ng tingin at habang pasara na ang elevator ay natigilan ako sandali. Nakita ko kasing dumaan sa harapan namin si Xaphira. Nang lingunin ko ang mga kasama ko ay mukhang hindi nila napansin kung anong nakita ko. Ibig sabihin, ako lang ang nakakita ng bagay na iyon.

The Opposite 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon