Carmella's POV
"Sasabay ka ba sa amin pauwi?" tanong sakin ni Wendy.
Uwian na kasi at naglabasan na ang mga estudyante. Konti nalang kaming nandito sa loob ng klase dahil ang iba sa amin ay nakaalis na. Palagi nalang kaming nahuhuling lumabas dahil kailangan pa naming hintayin si Mr. Celestino. Nakakainis, diba? Yung feeling na gusto mong umuwi ng maaga pero hindi mo magawa dahil may kaekekan pa yang adviser namin.
Pinaghintay niya kami ngayong araw dito sa klase pagkatapos wala man lang siyang sinabi na kahit na ano. May binigay lang siyang papel samin at hindi ko pa natitignan kung anong nakasulat doon. Wala akong oras. Maliban doon, tinatamad rin ako dahil gusto ko na talaga makauwi sa amin ngayon at magpahinga.
Ang sakit talaga ng ulo ko.
Buong araw discussion. Buong araw kaming nakinig sa tinuturo ng mga guro namin. May naintindihan naman ako kahit papaano pero hindi mo naman maaalis sa isang tao na sumakit ang ulo kapag halu-halong impormasyon na ang nalaman mo. Hindi ba? May point naman ako e. Piling ko yung iba kong kaklase ganon rin. Napapansin ko iyon kapag tinitignan ko sila isa-isa.
"Sorry. Mauna nalang siguro kayo girls. I'll take care of myself. Baka maabala ko pa kayo," sabi ko at saglit na napahawak sa ulo ko nang maramdamang kumirot ito.
"Sigurado kang kaya mo? Ihahatid ka nalang namin sa inyo, if you want?" Umiling lang ako kay Sanidee.
"Wag na. Sige na, umuwi na kayo. Kaya ko sarili ko." Ngumiti ako para hindi na ako pilitin pa nitong dalawa.
Nang makalabas na silang dalawa ng klase ay kinuha ko na ang bag ko at palabas na sana ako ng klase nang mapansin ko ang bago naming kaklase na si Nicky. Abala siya habang may sinusulat sa pahina ng notebook niya. Hindi ko na iyon pinansin pa at lumabas na ako ng klase.
Katahimikan.
Napabuntong hininga ako nang mapansing konti nalang pala ang estudyante sa paaralng ito. Halos lahat ay nakalabas na kanina pa. Sa tansya ko'y lima nalang kaming estudyante na nandito. Ako, si Nicky na nasa classroom pa, at itong tatlong estudyante na ito na nagvivideo sa may ikalawang palapag. Nagsh-shoot yata sila para sa shortfilm nila.
Binilisan ko pa ang paglalakad ko kahit na nahihirapan ako dahil sa sakit ng ulo. Malapit na sana ako sa gate at palabas na nang mapatingin ako sa lalaking biglang sumulpot sa harapan ko at nginitian ako nito.
Napakusot ako ng mata dahil hindi ko siya mamukhaan dahil sa medyo madilim na ang paligid. Lalapitan ko sana siya pero bigla naman siyang naglaho sa harapan ko na parang bula. Ang tanging nakita ko lang ay isang papel na nasa lapag at tila meron doong nakasulat.
Isang mensahe.
Biglang sumagi sa isip ko si Nicky nang mahawakan ko na ang papel. Nang basahin ko ang nakasulat doon ng tahimik ay biglang hindi na ako makakilos sa kinatatayuan ko. Para akong naparalisa dahil hindi ko na magalaw ang buo kong katawan. Pinagpawisan ako ng matindi ng mga sandaling iyon hanggang sa mapapikit ako dahil sa isang malamig na simoy ng hangin ang naramdaman ko.
"Mamamatay kayong lahat"
Iyan ang nakasulat doon sa papel. Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sobrang takot. Nangangatog na ang mga tuhod ko dahil kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.
Didilat na dapat ako nang isang boses ang marinig ko mula sa kaliwa kong tenga. Kilala ko ang boses na iyon. Ngunit hindi ko sigurado kung sa kanya nga talaga iyon. Dahil sa pagkakaalam ko, nasa loob pa rin siya ng klase namin hanggang ngayon.
"Paalam, Carmella," sabi nito bago ko maramdamang may magtakip ng panyo sa ilong ko at bigla akong dalawin ng antok.
Pakiusap, tulungan niyo ako.
BINABASA MO ANG
The Opposite 2
Horror"Sa pagkakataong ito... hindi mo na siya po-protektahan. Dahil, isa siya sa iyong mga makakalaban."- Mr. Celestino | Highest Rank: #39 in Horror