Nicky's POV
Napakunot ang noo ko nang marinig ang nakakairitang pagtawa ni Kazumi kasabay ng pagbabalik niya dito sa bahay. Malapad ang ngiti niya habang mahigpit ang hawak sa pagmamay-ari niyang kutsilyo at diretsong nakatingin sakin. Nginisian ko lamang siya bago ko siya nilapitan. Kinuha ang kanyang kaliwang kamay at pinagmasdan ang sariwang dugo sa kutsilyo.
Kanino kaya ang dugong ito?
Sino kaya sa mga orihinal ang pinatay niya upang hindi na makasali sa laro? Wala sa mga hinala ko ang totoong Kazumi dahil ayon sa pagkakaalam ko, nais ni Kazumi na makasama ang totoong Kazumi sa laro upang siya ang tumapos rito. Ayaw niya itong patayin ng basta-basta sapagkat ang plano niya'y papahirapan niya muna ito bago niya ito tuluyang patayin.
Kung ganon, sino nga?
"Magaling. Sino sa mga orihinal ang tinapos mo?" Nginitian niya lang ako tsaka binawi ang kamay niya.
"Pati ba naman ang mga kilos ko'y aalamin mo pa?" Tumawa siya saglit.
"Nicky, ang trabaho mo lang rito ay ipagbigay alam sa amin ang mga desisyon ni Mr. Celestino. Ngunit hindi ibig sabihin nun ay papakialaman mo na ang bawat kilos namin. Opposite kami. Hindi kami mga robot. Gagalaw kami sa kung ano ang naisin namin. Lalo na ngayon na kailangan na nating magbawas bago ang laro. Naiintindihan mo naman siguro iyon, hindi ba?" Ngumiti siya ng matamis tsaka ako hinalikan sa pisngi na siyang ikinagulat ko.
"Ngayong gabing ito, ako ang magiging bida," aniya bago ako lagpasan. Nagkatamaan pa kami ng tingin at kinilabutan ako nang dahil sa makabuluhang ngiti niya.
Ano kayang ibig sabihin niya?
Napailing muna ako bago ko napagpasyahang bumalik nalang sa kwarto ko at magbasa-basa. Ganito ako kapag wala akong magawa. Kung hindi ko pinapakialaman ang iba, ako'y nagbabasa-basa. Mga dyaryo at magazine lang ang binabasa ko. May tv dito sa loob ng kwarto ngunit wala akong interes na manuod lalo na ngayon na wala na ang opposite na Xaphira. Wala nang gagawa ng krimen at ang ibig sabihin lang nun, nakakawalang gana na manuod ng balita.
Wala na ang patayan.
Walang gana kong ibinagsak ang kinuha kong dyaryo. Nakakainis. Hindi ko mabasa ang pinaplano ng opposite na Kazumi. Ano kaya ang binabalak niya ngayong gabi? Ilang minuto nalang ang lumipas at tuluyan ng magiging opisyal ang bagong rule ni Mr. Celestino. Kung nakakalimutan niyo, ipaaalala ko.
"Simula mamayang hating gabi, at sa mga susunod na araw, ay maari niyo na ring patayin ang kapwa niyo opposite."
Naaalala niyo na?
Ito ang isa sa mga rule na hindi ko talaga naisip na posible palang mangyari. Ang naisip ko lang kasi ay ang maari nilang patayin ang orihinal at ang orihinal nalang ang bahala na tumapos sa kanila. Ngunit gaya ng inaasahan, nabago ang mga bagay-bagay. Nabago ang plano. Imbis na ang orihinal ang tumapos sa opposite, ay ang opposite na ang mismong tatapos sa kapwa niya opposite.
Hindi ba't nakakaexcite yun?
Narinig ko pa nga lang ang mga litanya ni Kazumi kanina'y nasasabik na ako. Tiyak kong may nabuo na siyang plano sa utak niya na hindi niya lang ipinapaalam sa iba dahil baka ito pa ang tumapos sa kanya. Ganito na kasi ang sistema ngayon. Walang kampihan. Walang tulungan. Maging makasarili lang ang iyong kailangan. Upang makatagal sa laro at maiwasan ang kinatatakutan mong kamatayan.
Ako, matagal na akong handa sa kamatayan ko. Hinihintay ko nalang ang hudyat ni Mr. Celestino. Hindi naman ako tanga na hindi maisip na posible niya akong traydurin matapos niya akong gamiting kanang kamay sa mga plano niya. Ginawa niya lang akong dekorasyon upang mas mapaganda pa ang laro niya. Ako ang nagsisilbi niyang mata. Kapag wala siya, ako muna. Ganon na ganon ang aming sistema.
BINABASA MO ANG
The Opposite 2
Horror"Sa pagkakataong ito... hindi mo na siya po-protektahan. Dahil, isa siya sa iyong mga makakalaban."- Mr. Celestino | Highest Rank: #39 in Horror