6. Smoke

154 29 55
                                    


Humpry's POV

Noong unang araw ko sa school na 'to, inisip ko na gaya lang ito ng mga napasukan kong school noon kung saan ako nag-aral. Ngunit nagkamali ako. Hindi hamak na mas maganda ito sa inaakala ko.

Maganda ang mag-aral sa school na 'to, sobra. Magagaling magturo ang mga guro to the point na may sarili silang isitlo sa mga pagtuturo nila kaya mas madali naming naiintindihan ang bawat aralin.

Sa dati kong school, hindi ganito. Oo nagtuturo rin naman ang mga guro doon pero may iilang mga lessons na hindi nila mexplain ng maayos. Hindi gaya rito na bihasang-bihasa ang mga guro sa bawat subject na hawak nila kaya ganon nalang kadali sa kanila ang ipaliwanag samin ang mga aralin.

Nakakahanga sila. Nakakamangha ang paaralan na ito. Bagong bukas lamang ito pero para sa akin ay kaya na nitong makipagsabayan sa malalaki at kilalang mga universities sa buong pilipinas maging rin sa ibang bansa.

Maganda ang pamamalakad ni Mr. Florentino at masasabi kong magaling rin siya sa pagpili ng mga guro na gagabay sa mga gaya kong estudyante upang makamit ang aming mga pangarap sa buhay. Lubos akong nagpapasalamat sa kanya dahil nakapag-aral kami ng libre dito na walang kahit na anong binabayarang matrikula.

Maraming salamat sa kanya.

Dalawang buwan na rin ang lumipas. Dalawang buwan na akong nagaaral rito at wala naman akong napupunang kakaiba sa paaralan na ito. Iba noon sa napansin ko noong unang dating ko rito.

Inisip kong may mali sa paaralang ito dahil nakaramdam ako ng takot sa pagpasok ko palang rito. Ngunit ngayon ay wala na ang takot ko na iyon. Siguro naman ay normal lang iyon sa gaya kong bagong estudyante lang rito. Tiyak kong ganon rin ang naramdaman ng iba sa unang araw na pagdating nila rito.

Nakasisiguro ako sa bagay na iyon.

"Bro, ano bang tinitignan mo diyan?" tanong sakin ni Miguel kasabay ng pagtingin rin niya sa direksyong tinitignan ko.

"W-wala naman. Iniisip ko lang yung mga isasagot ko sa long test mamaya," sabi ko kasabay ang pagtawa.

Totoo naman kasi e. Ganon lang talaga ako kapag nagiisip. Natutulala ako at sa isang direksyon lang ako nakatingin.

"Ahh, ganon ba? Sige, magre-review na nga lang rin ako." Natawa rin siya pagkatapos. Kinuha niya ang bag niyang nasa tabi ko at binuksan iyon. Naghanap ng mga rereviewhin niya bago naupo ng maayos.

Napatingin ako sa paligid. Nagkalat ang maraming estudyante. Yung iba, palakad-lakad habang ang ilan ay nakatayo lang at masayang nagke-kwentuhan. Kilala ko ang ilan sa kanila dahil mga kaklase namin iyon ni Miguel. Habang ang iba naman ay namumukhaan ko lang dahil madalas ko silang makasabay kapag pumupunta ako sa library o di kaya naman ay sa cafeteria.

Napakunot ang noo ko nang mapansin ang isang estudyante na nakasilip sa isang puno sa tapat lang ng bench na inuupuan namin ni Miguel. Alam kong isa iyon sa mga kaklase ko dahil pamilyar sakin ang itsura niya sa malayuan. Babae siya. Sigurado ako. Hindi ko nga lang sigurado kung sino sa mga babaeng kaklase ko iyon.

Napapaisip lang ako kung bakit siya magisa doon at tila ba iniiwasang makita ng ibang mga estudyante. Bakit? Napapatanong tuloy ako sa sarili ko. Kinakabahan ako habang tinitignan ko siya. Hindi ko alam kung bakit.

Napalingon ako kay Miguel nang kalabitin ako nito.

"Bro, akyat na daw tayo sabi ng tropa," sabi niya.

"Ngayon na? Akala ko ba pupunta pa sila rito?" tanong ko.

"Hind na raw e. Doon nalang daw tayo sa classroom magreview. Sabay-sabay na tayo."

The Opposite 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon