9. Danger is Coming

124 25 14
                                    


Veronica's POV

Katatapos lang ng recess namin at sakto lang ang dating naming dalawa ng bestfriend kong si Merlin sa klase namin. Agad kaming naupo sa mga pwesto namin at naglabas ng kwaderno upang magreview kahit sandali para next subject which is Philosophy.

Nakangiti lang ako habang binabasa ko ang mga notes ko maging ang xerox copy ng lesson na pinasabay namin kay Maui kanina. Mabuti na nga lang at naisabay niya kami dahil hindi pala kumpleto ang notes na binigay samin ni Miss Kimberly. Hindi naman ganon karami ang kulang pero mas okay pa rin kasi para kumpleto kami at baka may ilan na hindi namin masagot sa exam maya-maya.

"Goodluck satin mamaya," nakangiting sabi ni Merlin sakin habang nagbabasa siya.

"Fighting! Kaya natin 'to!" sabi ko at nagthumbs up pa sa kanya.

Ngumiti ako kaya napangiti rin siya. Kahit kailan talaga, sinusuportahan naming dalawa ang isa't-isa. Ganito naman talaga ang mag-bestfriends diba? Nagtutulungan at nagdadamayan. Hindi gaya ng iba diyan na nagpaplastikan. Kunwari'y magkabati sila pero deep inside inis na inis talaga sila sa tuwing nakikita ang isa't-isa.

Ayoko nang magbanggit pa ng pangalan dahil baka masali pa ako sa away nila kung sakaling magkaroon man. Natatawa tuloy ako sa naiisip ko. Natatawa rin ako sa tuwing nakikita silang magkakasama. Ni hindi alam ng iba nilang kasama na nagpapanggap lang silang masaya para walang maging gulo.

Kalokohan.

"Ang tagal naman yata ni Ma'am," sabi ng katabi kong si Helmisus kaya naman napatingin ako sa kanya at hindi naiwasang magsalita.

"Palagi namang late yun. Hindi ka pa nasanay." Nagtawanan lang kami dahil sa sinabi ko.

"Veronica? Pahiram naman ng notes mo oh! Magre-review lang ako," sabi naman ni Aesir habang nagpapacute pa sa harapan ko. Nakaupo siya sa harap ko kaya naman kitang-kita ko ang cute niyang mga mata.

"Sure. Tapos na rin naman ako e," nakangti kong sabi bago ibigay sa kanya ang notes and xerox copies ko.

"Maraming salamat," sabi pa niya na sinabayan niya pa ng pagkindat bago naupo ng maayos sa pwesto niya sabay salpak ng headphones sa tenga niya.

Magco-concentrate yata.

"Ikaw Helmisus? Wala kang balak?" tanong ko sa lalaking katabi ni Aesir.

"Tapos na ako magreview. Tsaka balita ko, madali lang naman daw yung exam e," aniya at napakamot pa sa likod ng ulo niya habang nakangiti. Umayos na rin siya ng upo pero nagbabasa pa rin siya ng notes sa pwesto niya.

"Ten minutes na pero wala pa rin si Ma'am. Baka makalimutan ko na lahat ng nireview ko." Tinawanan ko lang ang pageemote ni Merlin.

"Madali lang naman daw sabi ni Helmisus. Kaya wala tayong dapat na problemahin." Pagkasabi ko nun, lumingon samin si Helmisus at binigyan kami ng isang nakakalokong ngiti. Kinabahan tuloy ako dahil baka nanloloko 'tong lalaking ito ngayon at imbento lang niya ang mga sinabi niya.

"Totoo yung sinasabi niya. Nakita ko na yung questionnaire. Walang ipinagkaiba sa kung ano ang ni-long test natin noong isang araw. Mukhang walang binago si Ma'am. Hindi ba't nice yon?" Napatingin kami sa katabi kong si William dahil sa narinig namin.

"Nice nga yan!" sabi ko at nag-apir kaming apat pwera kay William.

Nakapikit kasi siya habang may nakasalpak na earphones sa dalawa niyang tenga. Mukhang nirerelax niya ang sarili niya sa kantang pinapakinggan niya. Napangiti lang ako. Ganyan rin kasi ako minsan kapag ayokong kabahan. Gagawin ko rin sana yan kanina kaso nalaman ko na yung long test namin ay siya ring exam namin kaya naman wala akong dapat na ikabahala.

The Opposite 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon