CHAPTER SIXTEEN

530 23 1
                                    

DYLAN P.O.V

Bigla kong nasabunutan ang sarili ko ng lumamig na ang ulo ko. Hahhhhh! Bakit ko ba nasabi 'yun kay Shane. Sigurado ako ngayon umuusok na ang ilong 'nun sa galit.

Eh kasi naman, kasalan naman talaga niya kasi!

Pero ano ka ba Dylan hindi naman niya sinasadya!

Oo nga naman saka nag-sisisi naman siya dahil sa nagawa niya kaso nga lang bakit kasi biglang umiral ang init ng ulo ko!

Ahhhhh! Ang tanga-tanga ko talaga. Ano na ang gagawin ko ngayon? Sigurado akong pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi na ako 'nun kakausapin.

Kailangan kong gumawa ng paraan para makipag-ayos sa kanya.

* * *

Paglabas ko kinabukasan ay agad kong hinanap si Shane pero sabi ni Andrew ay maaga 'daw pumasok kaya naman hindi na ako nag-almusal. Dali-dali akong nagdrive papuntang Store niya.

Pagdating ko doon ay naabutan ko siyang nag-aayos sa loob.

Papasok na sana ako ng bigla naman dumating si Sofia.

"Hi Doc." Tawag sa akin ni Sofia kaya napalingon ako sa kanya.

"Oh, Hi." Ganting bati ko naman sa kanya.

"Ang aga niyo po 'ata ngayon?" Punang tanong ni Sofia sa akin na ngiting-ngiti.

Gumanti 'rin ako sa kanya ng ngiti. "Uhmmm... Ano kasi —" Hindi ko na natapos sasabihin ko dahil sa biglang paglabas ni Shane.

SHANE P.O.V

Maaga akong pumasok dahil hanggang ngayon ay badtrip pa 'rin ako kay Dylan at ayaw ko pa siyang makita.

Baka kasi kapag nakita ko siya eh, masaktan ko pa siya dahil sa sobrang pagkainis ko sa kanya.

Nag-aayos ako dito sa store ng matanaw ko si Dylan hindi ko sana papansinin pero bigla naman dumating si Sofia kaya naman mas lalong nadagdagan ang inis ko. Oo aaminin ko mas nainis ako ngayon dahil nagseselos ako.

Eh, syempre hindi naman alam ni Sofia na nililigawan ako ni Dylan kaya naman syempre laladiin niya si Dylan at 'yun ang ayaw kong mangyari kaya naman lumabas ako.

"Shane." Gulat na bangit ni Dylan sa pangalan ko pagkalabas ko. Pero inirapan ko lang siya at naglakad ako palayo. Pero syempre ine-expect ko ay susundan niya ako.

"Sige Sofia ha." Narinig kong paalam ni Dylan kay Sofia at mabilis nang sumunod sa akin. "Shane Wait."

Pero hindi ako nag-abalang huminto derederetso lang ako sa paglalakad hanggang sa hawakan niya ako sa braso kaya napahinto ako.

"I said wait lang, pwede ba mag-usap muna tayo." Sabi niya.

Hindi ako sumagot at inirapan ko lang siya.

"Sorry na sa nasabi ko kagabi...."

"Sorry?.... Sorry lang?" Nakabusangot pa 'rin na sabi ko. Dahil sa nagsorry na 'rin na,an siya ay nawala naman agad ang inis ko sa kanya.

Ewan ko kung ba kung bakit, samantalang kagabi ay inis na inis ako sa kanya at sabi ko pa ay Basted na siya!

Siguro dahil syempre kahit papaano may kasalanan 'din naman ako kanya saka ang mas importante ay mahal ko 'rin naman kasi siya kaya siguro ang bilis ko kang siyang napatawad.

"Bakit ano pa ba gusto mong gawin ko?" Tanong niya sabay biglang ngisi. "Ohh alam ko na...gusto mo siguro ekiss kita ano para mawala na ang galit mo." Dagdag pang sabi ni Dylan.

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon