CHAPTER TEN

735 26 3
                                    

Dylan P.O.V

LUNCH BREAK na pero kanina pa ako tumatanaw-tanaw kung palabas na ba si Shane pero hindi ko siya makitang lumalabas, samantalang si Sofia ay kanina pa lumabas. Gusto kong puntahan para tingnan kung may ginagawa ba siya kaya hindi pa siya naglulunch.

*after ng ilang minuto*

Nakapagdesesyon na ako pupuntahan ko si Shane sa Store niya ay yayain ko siya maglunch.

Kahit kinakabahan ako ay derederetso lang akong naglakad papuntang store nina Shane. Pagdating ko sa loob ay nasa cashier area si Shane kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Hi." Ngiting-ngiting bati ko sa kanya pero binigyan lang niya ako ng masamang tingin. "Bakit ikaw nakapwesto diyan?" Tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ulit ako ng masama. "Paki-alam mo ba?" Pagtataray niya pero hindi ako nagpadala sa pagtataray niya na 'yun, mas nilakihan ko pa nga ang ngiti ko.

"Gusto mo ba sabay na lang tayo maglunch." Lakas loob na pag-aya ko sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya't kumunot ang noo. "Ano nakain mo at niyaya mo akong maglunch? Feeling close lang." Sarkastikong sambit niya.

"Ikaw naman. Gusto ko na kasi makipagbati sayo."

"Makipagbati?"

Magsasalita pa sana ako pero hindi na natuloy dahil dumating na ang mga staff niya na kakalunch pa lang.

"Oh, Doc Dylan, ano ginagawa mo dito?" Tanong sa'kin ni Sofia ng mamataan niya ako. "Sayang naman hindi ka nakasabay sa'kin maglunch." Dagdag pa niya. Feeling naman ng babeng 'to. (Joke)

Ngumiti ako. "Ah, okay lang. Kay Shane na lang ako sasabay." Sagot ko sabay tingin ako kay Shane, nahuli ko siyang masama ang tingin sa'kin pero agad naman siyang umiwas ng tingin.

"Ah, ganun ba." Medyo disappointed na ani Sofia.

"Sige ha, una na ako." Paalam ko na kay Sofia ng makita ko nang naglalakad nang palabas si Shane.

Hinabol ko siya at sumabay na ako sa kanya maglakad. Tahimik lang kami habang naglalakad ng bigla siyang huminto at humarap sa'kin.

"Sabihin mo nga sa'kin, mamatay ka na ba kaya nagpapakabait ka na?" Nakakunot ang noo na tanong ni Shane. She pursed her lips. Tiningnan niya ako nang may pagdududang mga mata.

Awtomatik tuloy na tumaas ang kilay ko. "Grabe ka naman porket nagpapakabait lang ako mamatay na agad." Nadisappoint ako dahil sa sinabi niya. Well expected ko naman iyon na hindi naman talaga siya agad maniniwala na nagiging mabait na ako sa kanya.

"Your so weird kasi. Bakit ba gusto mo nang makipagkaibigan sa'kin all of a sudden?" Titig na titig siya sa'kin. "Ah, you like Sofia, gagawin mo akong tulay? Pero hindi ba sinabi sayo ni Sofia na may gusto siya sayo?" Biglang dagdag niya.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko gusto si Sofia at hindi ako nakikipagkaibigan sayo dahil sa kanya, nakikipagkaibigan ako sayo kasi gusto ko nang tahimik na buhay since nasa iisang bubong lang tayo nakatira. Masama ba ang gusto ko?" Paliwanang ko sa kanya.

Ilang saglit niya akong tiningnan na puno ng pagdududa.

"Wala kang hidden agenda?" Maya-maya'y tanong niya.

Syempre may hidden agenda ako at iyon ay gusto kitang ligawan. Gusto ko sanang isagot pero sympre hindi pwede kaya umiling-iling lang ako as my answer sa tanong niya.

Ilang ulit siyang huminga ng malalim habang nakatingin sa'kin at pinag-aaralan ang reaksyon ko kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Sige, since ayaw ko 'rin naman na may kaaway — we can be friends. . . " Aniya sabay abot ng kamay niya sa'kin para makipagkamay. Mabilis ko naman inabot iyon at nagkamay na kami.

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon