LIVING WITH THE BOYS 2 (THE RETURN OF THE BRIDE) 7

523 17 0
                                    

☆☆☆CHAPTER SEVEN ☆☆☆

●●●●SHANE P.O.V●●●

Nang dahil sa mga ibinunyag sa akin ni Kuya Andrew tungkol sa totoong nararamdamn pa sa akin ni Dylan ay dali-dali akong lumabas ng bahay.

Hindi na ako magsasayang pa nang oras at ako na mismo ang unang gagawa ng paraan para magkaayos kami ni Dylan dahil ako 'rin naman ang may kasalanan kaya nangyari ang lahat ng ito.

Tatlong taon — tatlong taon na ang nasayang kaya hindi na ko hahayaan pang lumipas pa ang araw na ito na hindi ko naaayos ang gusot sa aming dalawa ni Dylan. Hindi ko na hahayaan na isang araw pa ang masayang na hindi pa namin naayos ang lahat.

Kahit na nagsinungaling siya sa akin ay wala na akong paki-alam basta ang mahalaga lang sa akin ngayon ay alam kong mahal pa niya ako. 'Yung lang naman kasi ang importante dahil kung hindi na 'rin naman niya ako mahal ay hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya ay hahayaan na kang siyang maging masaya pero sa ganitong sitwasyon na alam ko naman na mahal pa niya ako ay kailangan ko nang kumilos agad.

Para hindi na masayang ang oras ko ay hiniram ko na ang susi ng kotse ni Kuya para mabilis akong makarating sa bahay ni Dylan.

Mabilis ang ginawa kong pagpapatakbo sa kotse kaya naman agad akong nakarating sa bahay ni Dylan.

Pagdating ko ay huminga muna ako ng malalim bago ako bumababa. Sobrang kaba kasi ang biglang naramdaman ko ngayon.

'Sana maayos ko na ang lahat.' Sambit ko sa sarili ko habang pababa ako.

Mabilis ang bawat lakad na ginawa ko habang papalapit ako sa pinto nang bahay ni Dylan at pagkalapit ko ay agad kong pinindot ang doorbell. Hindi lumipas ang sampung segundo ay bumukas na ang pinto.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa buong mukha ni Dylan pagkakita niya sa akin marahil dahil hindi niya ako inasahan samantalang ako naman hindi ko na ang pinansin ang pagakagulat niya't mabilis akong yumakap sa kanya.

"I am sorry." Paulit-ulit na sambit ko habang nakayakap sa kanya.

Pero wala akong naririnig na kahit isang tugon man lang sa kanya kaya kumalas ako sa pagakakayakap at tinitigan ko siya.

Kitang kita ko sa buong mukha niya ang pagkalito kung ano ang nagyayari.

"Anong —" Magsasalita sana siya pero hindi ko siya pinatapos kung ani man ang sasabihin niya dahil agad kong ikinawit ang kamay ko sa batok niya at mabilis ko siyang hinalikan.

Sa una ay nakatulala lang siya at hindi tumutugon sa paghalik ko sa kanya.

Pero hindi nagtagal, naramdaman ko ang kamay niyanb kumapit sa bewang ko then he kissed me back, softly at first, and then with a swift gradation of intensity. A moment later I felt his tongue starts to slips inside my mouth, gently but demanding.

Parang may sariling isip naman ang mga daliri ko na naglakbay patungo sa kanyang buhok at mahigpit ko itong hinawakan, then I pulled him more closer.

While we are kissing ay sobrang tuwa ang nararamdamn ko. Dahil sa halik na 'yun ay parang napawi lahat ng pangamba at takot sa dibdib ko.

When we ended kissing each other ay naghabol kami ng hininga. Ilang segundo 'rin kaming walang imik.

Nakatingin lang kami sa isa't isa at waring ang mga mata namin ang nag-uusap.

"Kuya Andrew told me everything —" Umpisa ko ng maging normal na ang paghinga ko. "— alam ko na ang lahat, alam ko na mahal mo pa ako, alam ko na hindi totoong may girlfriend ka." Dugtong ko pa habang nakatingin pa 'rin ako sa mga mata niya.

Samantalang si Dylan ay nanatili lang 'din na nakatingin sa 'kin. Hindi ko mabasa kung ano man ang iniisip niya dahil wala man lang akong nakikitang kahit anong expression o emosyon man lang sa mukha niya.

Pero naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin 'nung hinahalikan niya ako at kitang-kita ko 'rin sa mga mata niya.

Huminga siya ng malalim at hinila niya ako at niyakakap. Hindi ko na napigilan ang ngiti sa mga labi ko dahil sa ginawa niya.

"I am sorry nagsinungaling ako sayo." He said habang magkayakap pa kami.

"It's ok. Naiintidihan kita. Besides ako nga dapat ang humingi sayo ng tawad dahil kasalanan ko ang lahat —" Sabi ko. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka hinawakan niya ang pisngi ko.

"Sorry 'din dahil masyado akong nagmadali noon. Hindi ko man lang inisip muna kung handa ka na ba talaga, sarili ko lang inisip ko kais." Wika pa niya.

"Pero kung naging totoo lang sana ako sayo noon na hindi pa ako handa hindi na sana tayo umabot sa ganito —" Sabi ko na punong-puno ng panghihinayang sa tono ng boses ko.

Ngumiti si Dylan. "Kalimutan na natin 'yun. It's all in the past kaya wala na tayong magagawa ang mahala ngayon ay ayos na tayo." Aniya.

Ngumiti ako at tumango-tango nang bigla akong napanguso. "Nakakainis ka bakit ka naman kasi nagsinugaling sa akin!" Reklamong biglang sabi ko.

"Sorry, natakot kasi ako at hindi ko pa alam kung handa na ba akong muling ipagkatiwala ang puso ko sayo —" Paliwanag ni Dylan na seryosong-seryoso ang mukha.

"Pero ngayon?"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan muna niya bago sumagot. "Hindi ko na kaya pang eresist ka lalo na nang yakapin at halikan mo ako, doon ko lang narealize na handa na ako — handa na ulit akong sumugal."

Ngumiti ako ng malapad. "Don't worry this time I promise hindi ko ulit hahayaan na masaktan ka pa. Promise ko sayo I'll be honest na para maiwasan na natin na maulit ang mga nangyari before." Sabi ko saka niyakap niya ulit ako.

Hindi ko maipaliwanag ang sobarang saya na nararamdamn ko ngayon dahil sa muling pagkakaayos namin ni Dylan.

Lahat ng takot at pangamba na nararamdaman ko kanina na baka magmatigas pa si Dylan at itanggi niya lahat ang mga sinabi ni Kuya sa akin, takot na baka sumbatan niya ako sa nagawa ko noon, ay naglaho na lahat.

©COPYRIGHT

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon