LIVING WITH THE BOYS 2 (THE RETURN OF THE BRIDE) 1

613 17 0
                                    

LIVING WITH THE BOYS 2

(THE RETURN OF THE BRIDE)

CHAPTER ONE

●A/N: The whole story will only be SHANE's P.O.V●

Three years has passed since I ran away from my wedding. After that incident ay hindi pa ako nagpapakita sa bahay.

Nagpadala lang ako ng sulat kina Kuya Andrew at Ryan, na nagsosorry ako dahil sa nagawa ko. I also sent a letter to Dylan, nagpaliwang ako sa sulat ko sa kanya kung bakit ako umalis, and I also ask for forgiveness.

Alam kong napakasakit ng ginawa ko kay Dylan dahil sa pag-iwan ko sa kanya sa mismong kasal namin, and I regret it a million times pero wala na magagawa ang pagsisisi ko dahil nangyari na.

That time lang talaga ay masyado akong nalito, naguluhan at natakot.

Sa umpisa pa lang kasi dapat hindi na ako sumagot ng YES sa proposal ni Dylan para sana hindi na kami umabot sa puntong 'yun na nasaktan ko siya.

Kung sa una pa lang sana ay tama na ang naging desisyon ko sana hanggang ngayon ay nasa tabi pa rin ako ni Dylan and by now also siguro kapag nagpropose ulit si Dylan ay makakasagot na ako sa kanya ng YES with confident hindi katulad dati na marami akong agam-agam.

Sa three years na pag-iisa ko, pagta-travel ay marami akong natutunan sa buhay, naging mas mature na rin ako at nagawa ko na rin na eprepare ang sarili ko sa bagay na kinatakutan ko noon, ang pagpapakasal.

At ngayon, handa na akong bumalik, handa na akong harapin ang mga taong lubos kong nasaktan noon.

Handa na akong bumalik sa buhay ni Dylan at bumawi sa kanya.

Pero sana ako pa rin ang mahal niya. Simula kasi noong umalis ako ay wala akong naging balita sa kanila.

Isa sa mga reason kung bakit ayaw kong makibalita ay dahil baka kapag nalaman ko ang pain na pinagdadaanan ni Dylan ay baka bumalik lang ako agad sa kanya.

I've already caused him so much pain kaya pinagpatuloy ko na lang plano ko at sa pagbalik ko na lang saka na lang ako babawi sa kanya.

----------------

Kakalapag pa lang ng eroplanong sinsakyan namin. Medyo late kaming nakaalis sa pinangalingan namin kaya late na rin tuloy kaming nakarating dito sa NAIA.

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano ay bigla akong nakaramdam ng kaba dahil after three years I'm back.

Hindi na ako tumawag kina Kuya na para ipaalam na babalik na ako. Kaya naman hindi nila ako masusundo so ang lagay ay magtataxi lang ako hanggang sa bahay namin.

Pagkakuha ko ng mga maleta ko ay agad na akong nag-abang ng taxi. Buti na lang at wala pang mga tao masyadong nag-aabang ng taxi kaya agad din naman ako nakasakay.

Habang nasa taxi ako, labis pa rin ang kabang nararamdaman ko. Sari-sari din ang pumapasok sa isip ko, like worries, kung ano ang sasabihin ko pag nakaharap ko na si Dylan, kung ano ang una kong gagawin at kung ano-ano pa.

Ipinikit ko na lang muna ang mga mata ko para mae-relax ko ang sarili ko.

'Sana katulad pa rin ng dati ang lahat.' Bulong na wika ko sa sarili ko.

Inabot rin ng halos dalawang oras ang byahe namin dahil sa traffic.

Pagdating ko sa bahay ay hindi ako agad pumasok. Pinagmasdan ko muna mula dito sa labas ang buong bahay namin. Grabe kahit three years na ang nakakalipas ay wala man lang nagbago, kung ano ang ayos ng bahay ng iniwan ko ay ganun pa 'rin, I mean wala man lang idagdag sina kuya or pinagawa. Maliban na nga lang sa isang bagong kotse na nakaparada sa loob. Siguro kay Ryan 'yang bagong kotse.

Bumuntong-hininga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok. Sunday ngayon kaya malamang andito lang sina Kuya sa bahay.

Habang nakahawak ako sa doorknob ay nanginginig ang kamay ko, hindi ko tuloy magawang pihitin ang doorknob.

Nang biglang nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto.

"Shane?" Gulat na gulat na nasambit ni Kuya Andrew.

"Kuya!" Mabilis akong yumakap sa kanya. Isang mahigpit na yakap 'din ang iginanti ni Kuya Andrew.

Ilang minuto 'rin tumagal ang pagkakayakap ko sa kanya, habang wala man lang gustong magsalita sa aming dalawa.

"Ate!" Isang malakas na sigaw naman ang narinig ko mula kay Ryan.

Mabilis na nakalapit sa amin si Ryan at nakiyakap na 'rin.

"Namiss kita!" Maya-maya'y sabi ni Ryan ng kumalas na sila sa pagkakayakap sa akin.

"Namiss ko 'rin kayo." Naiiyak na sabi ko 'rin.

----------------------

Buong maghapon ay nagkwentuhan lang kaming magkakapatid, kung ano-ano ang tinanong nila sa akin. About sa pagtra-travel ko, kung saan-saan ako pumunta at kung ano-ano pa.

Pero kahit isang beses ay hindi 'man lang sila nangkamaling magtanong about sa nangyari three years ago. Kahit isang tanong o paghingi man lang ng paliwanag ay hindi nila ginawa.

I feel relieved kasi hindi na sila nag-usisa pero may kaunting pangamba 'rin akong nararamdaman dahil syempre hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nina Kuya.

Pero siguro maghintay lang ako ng ilang araw at baka e-open 'rin nila ang topic na 'yun. Pero sa ngayon ayaw ko na munang ako ang unang mag-open about 'dun.

All I want to now is enjoy the moment na nakasama ko ulit sina Kuya.

Habang nagkukuwentuhan kami ay gusto ko 'rin sana itanong ang tungkol kay Dylan kasi hindi 'rin nila nababangit si Dylan sa mga kwento nila.

Excited na akong malaman kung kumusta na si Dylan, kung ano na pinagkakaabalahan niya ngayon, kung okay na ba siya ngayon.

Pero parang wala akong lakas ng loob magtanong kaya napagpasyahan kong pupuntahan ko na lang si Dylan bukas sa clinic niya.

----------

Kinabukas ay maaga nga akong umalis ng bahay para puntahan si Dylan sa clinic niya, siguro naman hindi siya lumipat ng clinic. Well siguro naman hindi kasi sa kanya naman 'yung place na kinalalagyan ng Clinic niya.

Sa labas mg store ko ako naghintay.

Mga twenty minutes na 'ata akong naghihintay ng matanaw ko ang isang pamilyar na kotse.

Biglang sumilay ang ngiti sa labi ko.

Kinakabahan ako na natatakot kasi hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Dylan.

Sana matuwa siya at sana napatawad na niya ako sa nagawa ko dati.

Nang matanaw kong nakapark na si Dylan ay akmang maglalakad na ako papunta sa kanya ng bigla akong napatigil sa paglalakad.

Biglang namuo ang luha sa gilid ng mata ko. Saka bigla akong tumalikod.

Sabay sa pagtalikod ko ang pagbaksak ng luha ko.

Bakit 'ganun? Bakit?

For three years ay hindi ako naghanap ng iba. Sa loob ng tatlong taon ay siya lang ang minahal ko. Pero bakit ganun si Dylan?

Oo naiintindihan ko na nasaktan ko siya pero bakit?

Bakit napalitan niya ako agad sa puso niya?

I saw kasi Dylan na may kasamang babae at ang sweet pa nila, pinagbuksan pa niya ng pinto ito and kiss her.

Hindi ko na napigilan, napahagulgol na ako ng iyak habang naglalakad papasok sa store ko.

©COPYRIGHT

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon