CHAPTER THIRTEEN

542 26 2
                                    

SHANE P.O.V

Sa bawat araw na dumaraan ay mas lalong naging close kami ni Dylan. Lagi kaming magkasabay mag lunch at lagi 'rin kaming makasabay umuwi.

Mas lalo ko siyang nakilala at tama nga si Sofia isang mabait na tao nga si Dylan, loko-loko man siya dati pero may ginituang puso naman siya na laging handang tumulong sa mga nangangailangan.

Nawitness ko ang kabutihan niya nang maraming beses kaya nasabi ko 'yun. As a doctor hindi siya namimili ng pasyente. Willing siyang gumamot kahit sino pa man, mapa may pera man o wala. That's why I truly admire him.

"Shane." Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig kong tinatawag ako ni Kuya kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Hmmm..."

Nakakunot ang noo ni Kuya Andrew na nakatingin sa akin. "Close na close na kayo ni Dylan, ha?" Aniya sa akin.

"Huh?.... Hindi naman —" pagdedeny ko kahit ang totoo ay Oo close na nga kami pero syempre ayaw ko naman aminin kay Kuya kasi baka ako lang nag-iisip na close na kami ni Dylan at baka siya ang iniisip eh I am just his ordinary friend. Nakakahiya naman diba na mag-assume ako.

"Anong hindi ka diyan! Eh dalawang linggo na ata kayong laging magkasabay na pumapasok ay umuuwi ha."

"Wow laging magkasama lang umuwi close na agad?"

Napaisip si Kuya at napakamot sa ulo. "At isa mas madalas 'din kayong magkausap kapag andito sa bahay." Dagdag pa ni Kuya sa mga observation niya.

Napanguso tuloy ako. "Selos ka ba Kuya, ha?" Birong sabi ko sabay tawa ng malakas.

"Selos ka diyan! Ang inaalala ko lang baka naman sa sobrang pagiging close niyo ni Dylan eh mainlove ka sa kanya —"

"Kuya —" mabilis na putol ko sa sinasabi ni Kuya Andrew. Kung ano-ano kasi ang sinasabi. "Hindi mangyayari 'yun noh!"

"Aba Shane mabuti na 'yung nag-iingat ka, dahil kapag nagkamali ka't nainlove ka kay Dylan. Ikaw lang 'din ang masasaktan, kilala mo naman siya, napaka playboy niya."

Pasimple akong napabuntong-hininga dahil sa mga sinabi ni Kuya.

--------------

DYLAN P.O.V

Palabas sana ako ng kwarto ko nang mapatigil ako dahil narinig kong nag-uusap sina Andrew at Shane. Hindi ko man ugaling makinig sa usapan ng iba kaso nga lang ay hindi ko maiwasan dahil ako ang pinag-uusapan nila.

May kung anong kirot akong naramdaman ng marinig ko ang sinabi ni Shane na hindi siya maiinlove sa akin.

Sa dalawang linggo namin na halos magkasama ay akala ko pa naman may pag-asa na baka mainlove 'din sa'kin si Shane pero ang kakarampot na pag-asa na 'yun ay bigla na lang naglaho dahil sa narinig ko.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, ang mainlove at mabrokenhearted ang sakit pala na sa mismong bigbig pa nang taong mahal mo nangaling na hinding-hindi siya sayo maiinlove.

Siguro ito na 'rin karma ko sa pagiging playboy ko dati.

* * *

Kinabukasan ay pumasok ako nang maaga para iwasan muna si Shane. Gusto ko muna kasing magisip-isip kung itutuloy ko pa ba ang plano ko o hahayaan ko na lang ang nararamdaman ko hanggang sa mawala na lang ito.

Natatakot kasi ako na baka kapag itinuloy ko ang plano ko na mangligaw kay Shane ay may mga tao naman na malapit sa akin ang lumayo at mawala like Andrew dahil I promised to him before na hindi ko liligawan ang kapatid niya at baka pati si Shane ay lumayo 'din.

Sa lahat ba naman kasi nang taong pwede akong mainlove bakit kay Shane pa?

Kahit Lunch ay hindi na 'rin ako lumabas para hindi kami magkita ni Shane, ang ginawa ko ay nagpadeliver na lang ako.

Maging mga text and calls din ni Shane ay hindi ko 'rin sinasagot. Hah! hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

* * *

Maaga 'rin akong lumabas ng clinic para hindi kami magpang-abot ni Shane.

"Doc?" Napalingon ako sa tumatawag sa akon. Si Sofia ang nalingunan ko. "Ang aga niyo po 'ata ngayon umuwi?" Dagdag na sabi la niya.

Ngumiti ako. "Ah, oo wala na kasing pasyente. Pauwi ka na?"

"Hmm... Opo —"

"Gusto mo bang magcoffee?" Biglang Yaya ko kay Sofia. Wala naman talaga akong balak lumabas, kasi dederetso na 'sana akong pauwi kaya nga lang naramdaman kong parang gusto ko munang lumabas at magcoffee or uminom para mabawas bawasan ang iniisip ko.

"Sure po." Mabilis na pagpayag ni Sofia.

"Wait me here, kukunin ko lang kotse ko." Sabi ko sa kanya at dali-dali na akong naglakad para kunin ang kotse ko.

SHANE P.O.V

Nag-aalala ako kay Dylan kasi kaninang umaga ay hindi ko na siya naabutan tapos hindi 'rin siya sumasagot sa mga text at tawag ko. Maging nang lunch ay hindi 'rin siya lumabas ng clinic niya.

May problem kaya siya?

Pupuntahan ko na sana si Dylan sa clinic niya para tanungin kung okay lang nang mapatigil ako sa paglalakad ng makita kong sumakay si Sofia sa kotse ni Dylan.

May kung anong kirot akong naramdaman, hindi ko 'rin namalayan na tumulo na pala ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan.

"Bakit ko nararamdaman 'to?" Tanong ko sa sarili ko habang nakahawak ang kaliwang kamay ko sa dibdib ko. I grin habang nagumpisa nanamang tumulo ang luha ko.

Hindi ko maintidihan si Dylan eh. For how many days he makes me feel that I am special tapos ngayon bigla bigla na lang siyang hindi mamamansin at ang worst pa ay IS HE DATING SOFIA?

Kaya lang ba siyan nakipag close sa akin dahil he is observing Sofia?

Kung talagang 'yun nga ang purpose niya kaya nakipagkaibigan siya sa akin well, He is so mean! Mangagamit siya!

Buti na lang pala hindi ako nag-assume sa harap ni Kuya na close na nga kami ni Dylan kundi nakakahiya naman.

I hate him and I will never forgive him!

"Shane? — are you ok?" Bigla akong napalingon sa nagsalita. Si Ethan pala, isa siya sa mga regular customer namin.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng pasimple.

"Yes." Sagot ko. "Bakit?"

"Kanina ka pa kasi nakatayo diyan at nakatulala." Aniya.

"Huh? — may iniisip lang kasi ako."

Napatango-tango na lang si Ethan ay ngumiti. "Gusto mo bang magcoffee?" Nagulat ako dahil sa biglang pagyaya niya.

"Huh?"

"Ok lang kung busy ka, maybe next time na lang."

"No, it's ok. Let's have a coffee." Pagpayag ko na lang. Sobrang inis ang nararamdaman ko ngayon dahil kay Dylan kaya kailangan ko munang magrelax. "Wait lang kukunin ko lang ang bag ko." Sabi ko saka mabilis akong pumasok sa office at kinuha ang bag ko.

Before ako umalis ay I instruct my staff na sila na lang magsara ng store saka lumapit na ulit ako kay Ethan.

"Let's go." Yakag ko.

* * *

Sa Starbucks na malapit sa place namin kami pumunta. Pero pagpasok na pagpasok namin sa loob ay nagulat nang ang unang nasipT ng mata ko ay sina Sofia at Dylan na masayang nagkukwentuhan. So nagdadate na nga sila!

Nagtama ang mga mata namin ni Dylan kaya mabilis akong umiwas. Nagpretend na lang skong hindi sila nakita.

Binabawi ko na lahat ng magandang comments about sa kumag na 'yun! Masama pala talaga ugali niya! He is a user and pretender! Karmahin sana siya!

© 2016 Copyright

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon