CHAPTER FIVE

842 31 1
                                    

DYLAN P.O.V


TINAWAGAN ko ang secretary ko na 'wag muna magbukas ng clinic dahil may pupuntahan ako. Pupuntahan ko ang kaibigan kong Psychiatrist para magpatingin baka kasi nababaliw na ako kaya nagawa kong halikan si Shane.

Imposible kasing gawin ko 'yun kung nasa tamang pag-iisip ako dahil siya ang pinakakainisan kong babae. At kahit na siya na lang ang matirang babae sa mundo hinding-hindi ko siya magugustuhan.

"O, Dylan napadalaw ka." Nakangiting pahayag ni Marie pagkapasok ko sa office niya, ang Psychiatrist na kaibigan ko.

Gumanti ako ng ngiti. "Magpapatingin ako eh."

"Huh? —"

"Tingin ko kasi parang may something na kakaiba sa'kin."

Biglang napatawa si Marie ng malakas. "Baka naman nagdadahilan ka lang para makita mo ako." Biro niya sa'kin.

Ang totoo kasi ay dati akong nangligaw sa kanya noong nasa college pa lang kami kaya nga lang ay binasted niya ako.

Napangiti ako ng malapad. "Kasama na 'yun sa dahilan ko." Birong sagot ko.

Natawa lang siya. "Upo ka muna." Sabi niya sabay turo ng couch saka tumayo siya sa kinauupuan niya at naupo siya sa couch na kaharap na kinauupuan ko. "Ano ba problema mo?"

Nagbuntong-hininga muna ako. "Ganito kasi 'yun nakikitira muna ako sa bahay ng bestfriend ko — si Andrew — naalala mo naman siguro siya, 'diba."

Tumango siya. "Oo — lagi kayong magkasama noon, diba?" Sagot niya. "O, tapos —"

"Yung kapatid niyang babae na Amazona —"

"Ah, I remember her,I saw here once — if I'm not mistaken her name is — Shane?"

"Yep —"

"So ano ang problema sa kanya?"

"'Yun nga inis na inis ako sa babaeng 'yun, dahil sa mala-Amazona niyang ugali — ang hilig mangbugbog, kunting pagkakamali lang namin – ko, galit na agad — alam mo ba, naku! Nakapag-uwi lang ako ng babae last time akalain mo hinabol na kami at binato pa ako ng Bat - baseball Bat. Binato ako 'nun tapos natamaan ako sa papa – grabe ilang araw nanakit ang paa ko." Kuwento ko.

Tumatango-tango lang siya habang nakikinig. "Then.."

"Tapos kahapon bigla na lang akong pinagbawalan na lumabas at gumimick, inis na inis talaga ako sa kanya pero kahapon 'din, hindi ko alam kung ano ba pumasok sa utak ko habang natutulog siya sa kotse bigla ko na lang ...."

"Bigla mo na lang?"

"Bigla ko na lang — bigla ko na lang siyang hinalikan. Smack lang naman! — Ano sa mo tingin nababaliw na ba ako?"

Napaisip siya saglit. "Ano ba 'yung naramdaman mo nung hinalikan mo siya?" Maya-maya'y tanong niya.

Napaisip ako saglit. "Hmm... Parang — bumilis ang tibok ng dibdib ko tapos — bumigat ang paghinga ko — saka parang may something na kuryente akong naramdaman —"

"Hindi ka nababaliw —"

"Huh? Eh — ano 'yun? Bakit ko ginawa 'yun? Sabi ko naman sayo, inis na inis ako sa kanya kaya imposible na gawin ko 'yun kung nasa tamang pag-iisip ako."

"Inlove ka —"

Bigla akong napatayo pagkatinig ng sinabi ni Marie. "What!?" Napalakas 'din ang boses ko.

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon