CHAPTER TWENTY

476 20 1
                                    

SHANE P.O.V

Pagdating namin ni Dylan sa bahay ay gulat kami pareho ng makita namin na nasa labas na ang mga gamit ni Dylan.

Napatingin si Dylan sa akin. "Ikaw ba ang may gawa niyan!?" Tanong niya sa akin.

"Maghapon akong nasa Store pano ko naman gagawing mailabas ang mga gamit mo!" Sagot ko.

"Eh sino ang may gawa niyan!?" Pagtatakang tanong niya.

"Aba malay -" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng matanaw namin na lumabas si Kuya Andrew na bibit
pa ang ibang gamit ni Dylan. "Kuya?" Pabulong na nasambit ko.

Agad kaming napababa ng kotse at lumapit kay Kuya na ang sama ng tingin sa amin.

"Anong ibig sabihin nito Andrew?" Kunot na noo na agad na tanong ni Dylan.

Pero embes na sumagot si Kuya ay lumapit siya sa akin at hinila niya ako palayo kay Dylan.

"Aray Kuya ano ba?" Reklamo ko pero hindi niya ako pinansin.

"Lumayas ka na dito sa bahay namin!" Galit na galit na utos ni Kuya kay Dylan.

"Ano! - Ba-bakit? - May nagawa ba akong kasalanan? - or is this just a joke?" Sunod-sunod na tanong ni Dylan.

"Tarantado ka pala eh! Akala mo hindi ko malalaman na may relasyon kayo ng kapatid ko!" Galit na sagot ni Kuya.

Nanlaki tuloy ang mata ko dahil sa narinig ko. Maging si Dylan ay nagulat 'din.

"Kuya... We can explain." Sabi ko Kay Kuya na punong-puno ng pag-aalala ang mukha ko, pero tiningnan lang niya ako ng matalim.

"Tumahimik ka diyan Shane, mamaya tayo mag-uusap." Napalunok ako bigla dahil ngayon ko lang siya nakita na galit na galit.

"Andrew, huminahon ka muna, ok, and I can explain everything." Pakiusap ni Dylan kay Kuya.

"I don't need your explanation! Sinira mo ang pagtitiwala ko sayo!" Sabi ni Kuya mataas pa 'rin ang boses. "Kaya habang napipigilan ko pa ang sarili ko, umalis ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sayo!" Dagdag pa ni Kuya.

Napabuntong-hininga na napatingin sa akin si Dylan. Seninyasan ko siyang 'Sige na umalis ka na muna'

Pinaalis ko na muna siya dahil sa galit ni Kuya ay mahirap naming makausap siya ngayon.

Kaya kahit alam kong labag man sa loob ni Dylan na basta na lang umalis ay wala na siyang nagawa kundi kunin ang mga gamit niya at isinakay na sa kotse.

"Alis!" Galit na utos ulit ni Kuya nang maisakay na ni Dylan ang lahat na gamit niya sa sasakyan.

Laglag ang balikat na sumakay na si Dylan sa kotse niya at umalis na.

"Pasok sa loob, mag-uusap tayo!" Galit pa 'rin na utos naman sa akin ni Kuya ng makaalis na si Dylan.

Parang maamong tupa naman akong sumunod sa kanya at pumasok na ako sa loob. Pinaupo niya ako sa Couch.

"Ilang beses na kitang binantaan kay Dylan, na wag na wag ka sa kanya maiinlove, pero anong palabas na 'to? Paanong naging kayo?" Agad na pangugumpronta sa akin ni Kuya pagkaupo ko.

"Kuya, hindi ko 'rin naman ine-expect na maiinlove ako sa kanya, basta na lang nagyari at basta ko na lang 'din naramdaman." Sagot ko.

Biglang napasabunot si Kuya sa buhok niya. "Shane, napaka-playboy ni Dylan, masasaktan ka lang sa kanya."

"Kuya nagbago na siya, he promised me na hindi niya ako sasaktan -"

"Once a playboy will always be a playboy!"

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon