CHAPTER SIX

759 28 2
                                    

SHANE P.O.V

MAAGA AKONG umuwi para ipagtatapon ko ang mga gamit ni Dylan sa labas pero nagulat ako pagdating ko sa bahay dahil naabutan ko si Kuya Andrew.

"Kuya? Bakit ang aga mo 'atang umuwi?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Nginitian 'din niya ako ng malapad. "Nagtext sa'kin si Dylan —"

"Ano nanaman ang sinumbong mg lalaking 'yun?" Nakasimangot kong tanong.

"Nag-away 'daw kayo kanina kaya sigurado 'daw siya na maabutan niyang nasa labas na ang mga gamit niya —"

"Eh, ang bastos bastos niya makipag-usap sa'kin! — "

Biglang sumeryoso ang mukha ni Kuya. "Ganon ka 'rin naman sa kanya 'diba?"

"Kuya? Kinakampihan mo ba siya?"

"Hindi ko siya kinakampihan kaya lang sumusobra ka na, ako nagpatira kay Dylan dito kaya ako lang ang may karapatan na magpaalis sa kanya, naiintindihan mo?" Salubong ang kilay at nakakunot ang noo na sabi ni Kuya.

Alam ko na kapag ganito ang mga expression ni Kuya ay galit siya kaya tiklop ako sa kanya kapag ganito. Kahit naman kasi sabihin na ako ang palaging nasusunod dito sa bahay ay kapag nagalit naman si Kuya, talagang galit siya at baka mamaya niyan ako pa ang mapalayas.

Syempre nirerespeto ko pa 'rin naman ang nakakatandang kapatid ko kaya naman kapag nasa ganitong Mood siya ay hindi ko siya pinapatulan at tinatago ko na lang muna ang mga sungay ko. Mahirap na kasi!

"Okay, simula ngayon hindi ko na siya pakikialaman." Nakayukong sabi ko.

Pero syempre hindi totoo ang sinabi ko, kunwari lang 'yun. Kapag naging okay nanaman ang mood ni Kuya lagot sa'kin ang Dylan na 'yun. Kalalaking tao napakasumbungero! Nasermonan pa tuloy ako!

"Umayos ka Shane ha."

"Opo." Sagot ko na lang saka dumeretso na ako sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay padabog kong inilapag ang bag ko sa kama.

Humanda talaga sa'kin ang Dylan na 'yun! Akala niya dahil sa nagsumbong siya makakatakas na siya. Tingnan lang namin!

DYLAN P.O.V

TUWANG-TUWA ako habang pauwi dahil tenext ako ni Andrew na pinagsabihan na 'raw niya si Shane.

Sigurado akong umuusok na ang ilong ng babaeng 'yun sa galit. Buti nga sa kanya!

Akala siguro niya ganon-ganon lang niya ako mapapalayas ha, pwes nagkamali siya ng kinalaban!

Natawa na lang ako ng malakas habang nagdidrive. Sobrang natuwa lang talaga kasi ako.

Hindi ko maimagine ang mukha ni Shane kung gaano siya kagalit sa'kin ngayon dahil sinumbong ko siya.

Dagdag ng kaunting kasinungalingan lang sa sumbong ko kay Andrew, worth it naman ang pagsisiningaling ko dahil hindi ako napalayas.

****

PAGDATING ko sa bahay ay nawala lahat ng ngiti at tuwa ko nang makita ko si Shane na nakaabang sa harap ng pinto.

"Patay!" Nasabi ko lang sa sarili ko habang nakatingin ako kay Shane.

Embes na bumababa ako ng kotse ay agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ko ang number ni Andrew.

"Asan ka?" Tanong ko agad kay Andrew pagkasagot na pagkasagot niya ng tawag ko.

"Andito sa Café, bakit?"

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon