CHAPTER SEVEN

783 28 1
                                    

DYLAN P.O.V

TAMAD NA TAMAD pa akong bumangon dahil hanggang ngayon masakit pa 'rin ang noo ko pati na 'rin ang katawan ko. Kaya tinawagan ko na lang ang secretary ko ay pinaalam na icancel na muna lahat ng appointments ko ngayon dahil masama ang pakiramdam ko.

Kasalanan ng babaeng Amazona na 'yun ang lahat nang ito eh! Kung hindi dahil sa kanya wala sana akong bukol ngayon! Kaasar!

Napatingin ako ng masama sa pinto ng may kumatok.

"Bakit!?" Pasigaw na tanong ko without asking kung sino man ang kumakatok na 'yun. Wala ako sa mood eh.

"Can we talk?" Si Shane pala.

"Ayoko!" Sagot ko saka nagtakip na ako ng unan sa tenga ko. Galit ako sa kanya at hindi ko siya mapapatawad.

"Oy! Sige na usap na tayo — sorry na." Malambing na sabi niya.

Tama ba ang narinig ko nagsosorry siya sa'kin?

Ano ang nakain ng babaeng 'yun?

Mabilis akong napabangon sa higaan at agad na lumapit sa pinto at pinagbuksan ko si Shane.

"Tama ba ang narinig ko? Nagsosorry ka sa'kin?" Nanlalaki-laki pa ang mata ko na paninigurong tanong sa kanya pagkabukas ko ng pinto.

Ngumiti siya sa'kin sabay hampas sa ulo ko.

"Ouch!" Reklamo ko.

"In your dreams!" Sabi niya. "Lumabas ka na nga diyan, mapapagalitan pa ako dahil sayo." Dagdag pa ni Shane.

"Ang sama talaga nang ugali mo!" Sabi ko sa kanya sabay pinagsarhan ko siya ng pinto.

"Aba!" Narinig kong reklamo niya.

Bumalik ako sa kama at nahiga ulit.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" Sigaw niya saka narinig ko nang naglakad na siya palayo sa kwarto ko.

Akala ko pa naman totoong nagsosorry na siya!

Tama, imposible naman na bigla na lang siyang magbago overnight! Bakit ba kasi nagpadala ako sa acting niya.

Tuwang-tuwa na sana ako dahil sa wakas ay nagsorry na siya pero acting lang pala. Sobrang nakakaasar!

Kailangan kong makaganti sa kanya!

Pero hindi ko pa alam kung paano. Basta pagplaplanuhan ko nang maigi ang paghihiganti kay Shane at sisihuraduhin ko na iiyak siya.

Awa? Eh, siya nga hindi naawa sa'kin saka hindi naman siya mukhang babae eh! Kaya hindi dapat ako makonsensya.

SHANE P.O.V

AKALA KO KAYA kong mag-sorry kay Dylan pero 'nung sinubukan ko ay parang feeling ko ay hindi ako matatahimik kaya naman agad ko 'rin binawi.

Naku! Lagot ako nito kay Kuya kapag nalaman niya na hindi pa 'rin ako ng sosorry kay Dylan.

Eh, ano naman kasi ang magagawa ko, eh sa hindi ko talaga kayang magsorry sa ibang tao. Hindi ko ugali kasing magsorry sa ibang tao no.

Saka kahit kina Kuya nga ay bihira lang ako magsorry. Nag sosorry lang ako kapag talagang alam kong mali talaga ako.

Like kahapon, alam kong mali ako sa ginawa ko kay Dylan at nasobranan na ang mga ginagawa ko sa kanya. Kaya nagsorry ako kila Kuya sa mga naging action ko pero kay Dylan, hindi ko kaya!

Mabuti pa siguro na iwasan ko na lang siya para hindi ko na siya mapag-initan.

Bahala na siya sa buhay niya kung gusto niyang gumimick man o kung ano man ang gusto niyang gawin sa buhay niya! Wala akong paki-alam. Promise!

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon