CHAPTER TWENTY FOUR

544 17 1
                                    

SHANE P.O.V

Gulong-gulo ako hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Dylan. Oo mahal ko siya at gusto kong siya na ang mapangasawa ko pero nahihirapan ako eh,

'Ah! Bakit mo ba ako pinahirapan ng ganito Dylan!' Reklamo ko sa isip ko.

I want to say yes, pero parang may pumipigil sa akin dahil masyado pang maaga. Oo alam ko naman wala 'yan sa tagal niyong magkarelasyon bago kaya magpakasal dahil naniniwala ako na kung sigurado kayo na ang isa't isa na ang gusto niyong makasama habang buhay bakit pa papatagalin,diba?

Pero ewan ko ba kung bakit nahihirapan akong gawin 'yun sa sarili ko. Gusto kong si Dylan na ang makasama habang buhay, gusto kong siya ang maging ama ng mga magiging anak ko, at gusto ko siyang ang makasama ko 'pag tanda ko.

I can't imagine also my life without him. He's my happiness, kahit madalas akong naiinis sa kanya pero mahal na mahal ko siya.

"Say Yes! Say Yes! Say yes!" Patuloy pa 'rin na pagche-cheer ng mga tao.

Huminga ako ng malalim. Sa tingin ko masyado pang maaga para mapakasal kami pero..... My love for him is enough reason to take a risk again and take another step.

"Yes, I will marry you." Nakangiting sagot ko. Sana tama ang desesyon ko na 'to

Biglang napatalon si Dylan mula sa stage at mabilis na lumapit sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.

I can feel the happiness na nararamdamn niya ngayon, rinig na rinig ko rin ang malakas na kabog ng puso niya.

"I love you." Umiiyak na bulong niya sa akin.

"I love you too." Sagot ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at inilabas ang singsing mula sa bulsa niya, lumuhod siya't kinuha niya ang kamay ko at isinuot niya sa akin ang singsing.

Sigawan ang mga tao na tuwang-tuwa sa nasaksihan nila.

Tumayo naman agad si Dylan pagkasuot sa akin ng singsing at niyakap niya ako ulit.

Habang magkayakap kami ni Dylan ay natanaw ko sina Kuya Andrew at Ryan na ngiting-ngiti na nakatingin sa amin.

Tininganan ko sila ng masama pero nginitian ko rin naman sila.

DYLAN P.O.V

Kinakabahan ako kanina at takot na takot dahil hindi ko alam kung papayag ba si Shane na magpakasal sa akin.

Oo alam ko naman na masyado pang maaga para yayain na siyang magpakasal pero gustong-gusto ko na talaga siyang pakasalan.

Kaya naman kinausap ko na si Andrew at humingi ako sa kanya ng permeso. Akala ko nga hindi siya papayag pero laking papasalamat ko at pumayag naman siya agad.

Sa umpisa ay gusto kong simpleng proposal ang gagawin ko pero naisip ko once in a lifetime lang mangyayari 'to kaya itotodo ko. I want this proposal to be memorable to Shane.

Kaya ilang araw din akong naging busy sa pag-gawa ng plano kung papaano ko gagawin ang proposal ko.

And here we are it's a very successful proposal.

_________________________

SHANE P.O.V

It tooks us Two months to prepare for our wedding. Dahil isang beses lang naman mangyayari pagpapakasal namin ay we make sure na talagang perfect ang kasal na 'to.

We choose only the best for this wedding. Hands-on kami pareho ni Dylan sa paghahanda.

And finally heto na, dumating na ang big day na hinihintay namin.

Naka check-in kami sa isang hotel dahil dito kami mangagaling papuntang simbahan.

I am with my make-up artist, inaayusan niya ako pero hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal, hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko, andyan ang kinakabahan ako, natutuwa at the same time nalulungkot din at natatakot, ewan basta hindi ko talaga siya maipaliwanag.

Hindi ko rin alam if bakit parang nakakaramdam ako ngayon ng pagdadalawang isip sa pagpapakasal ko kay Dylan.

'Ah! Ano ka ba Shane!' Bulong na saway ko sa sarili ko.

Bumungong-hininga na lang ako ng malalim para mawala na ang mga agam-agam na nararamdamn ko sa ngayon.
____________________

This is it, kakarating pa lang namin sa harap ng simbahan. We are little late sa talagang oras ng umpisa ng Kasal because of the traffic pero unting minuto lang naman kaya ayos lang.

I saw Kuya Andrew and Ryan outside the car waiting for me. Dahil wala na kaming Parents ay sila ang maghahatid sa akin sa altar.

Huminga muna ako ng malalim bago ako bumababa ng sasakyan.

Pagbukas ko ng pinto ng sasakyan ay mabilis na lumapit sa akin si Kuya Andrew para alalayan ako.

"Are you ready?" Tanong ni Kuya Andrew habang inaalalayan akong bumababa.

Alanganing ngiti at tango lang ang isinagot ko.

Heto na wala nang urungan ito.

Sa pagdating ko ay nagumpisa na ang pagmarch ng mga abay.

Nakatayo lang ako sa dulo mag-isa, waiting for my turn to walk. Samantalang ang mga kapatid ko naman ay nakatayo sa gitna at hinihintay ako doon, mula sa pwesto ko ay tanaw ko naman si Dylan sa dulo. Nakatingin siya banda sa akin.

Habang nakatayo ako ay sari-saring mga thoughts ang pumapasok sa isip ko, litong-lito na ako. I love Dylan but I am not yet ready to get married.

Oo excited ako noon habang inaayos namin itong kasal namin pero ngayon parang I'm not sure anymore.

'Ano ka ba Shane, eh sana hindi ka na lang sumagot ng yes kay Dylan noon nag propose siya sayo' Panenermon ko sa sarili ko sa isip.

Did I made wrong decision that time? Sana pala sinunod ko na lang ang instinct ko na It's not yet the right time to settle down.

Tumingin ako Kay Dylan, kitang-kita sa guwapo niyang mukha ang kaba.

Napapikit ako bigla. I made up my mind.

"I am sorry Dylan. Sana mapatawad mo ako pero I am not yet ready for this." Pabulong na sambit ko habang nakapikit ako then I open my eyes at sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko si Dylan.

Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga then I turn around sabay takbo palabas ng simbahan. I heard people inside the church calling me pero hindi ko sila pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa kotse na sinakyan ko kanina papunta dito.

Takang-taka ang driver na nakatayo sa labas ng Kotse.

"Ma'am?" Takang nasambit.

"Give me the key!" Utos ko sa kanya.

"Huh?"

"Give me the key!" Ulit ko dahil siguro sa naranta din siya at hindi niya alam kung anong nangyayari ay ibinigay naman niya sa akin ang susi.

Mabilis akong sumakay ng sasakyan at pinaandar ito.

Habang inilalabas ko sa highway ang kotse ay kitang-kita ko sa side mirror ang paghabol sa akin ng mga tao, kitang kita ko rin si Dylan na tumatakbo.

He is running and calling my name. Naawa ako sa kanya dahil talagang sinusubukan niyang habulin ako.

Hindi ko namalayan umagos na pala ang luha sa mga mata ko. Gusto kong itigil ang sasakyan and run towards him pero — I can't — I made this decision kaya papanindigan ko na.

Sana mapatawad niya ako.

"I'll be back Dylan, promise. Just wait for me." Bulong na sabi ko sa hangin.

Sa ngayon gusto ko munang mapag-isa at magisip-isip. Gusto ko din muna eprepare ang sarili ko. At kapag handa na ako ay babalikan ko siya at magpapakasal ako sa kanya kahit saang simbahan man.

Pero sana may babalikan pa ako.

END

©COPYRIGHT

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon