CHAPTER EIGHT

687 29 1
                                    

SHANE P.O.V

ILANG ARAW din kaming hindi nagkikibuan ni Dylan. Ilang araw din na masama ang tingin sa'kin nina Kuya Andrew at Ryan. Marahil siguro alam nila na hindi pa ako humihingi ng tawad kay Dylan.

Pinabayaan ko na lang sila. Lalong-lalo na si Dylan. Hindi na ako nakiki-alam sa kanya. Pero kahit hindi ko na siya pinakiki-alaman or pinipilit na umuwi ng maaga ay maaga pa 'rin siya umuuwi.

Ano kaya nakain ng lalaking 'yun. Siguro nagbagong buhay na siya o baka naman nainlove na kaya nagbago na.

Ay! Ewan bahala nga siya sa buhay niya.

****

PAPASOK AKO sa loob ng Store namin ng matanaw ko si Sofia na kausap si Dylan at mukhang close na close na sila the way they talk.

"Kailan pa sila naging close?" Salubong ang kilay na tanong ko sa sarili ko.

Oh! My! Si Sofia ba ang reason kung bakit hindi na gumigimmick si Dylan? Imposible naman na agad-agad na nainlove si Dylan kay Sofia.

Teka lang! Nag-uusap na sina Sofia at Dylan? Kailan pa sila nag-umpisang magkakilala?

Talaga palang seryoso si Sofia sa sinabi niyang ipupursue niya si Dylan.

Wait nga lang! Ano naman ba ang paki-alam ko sa kanila. Bakit ba ako namomoblema kung nag-uusap man sila!

Bahala nga sila, buhay naman nila 'yun eh.

Nagpatuloy na ako sa pagpasok sa loob ng store.

Pero habang nakaupo ako ay hindi ako mapakali kaya naman lumabas ulit ako. Pagkalabas ko ay laking gulat ko nang maabutan ko sa labas sina Sofia at Dylan mismo sa harap ng pinto.

"Anong ginagawa niyo dito?" Sa pagkagulat ko ay 'yun ang biglang lumabas sa bibig ko. Pero hindi ako pinansin ni Dylan. Kaya kay Sofia ako bumaling.

"Hindi ka pa ba papasok? Oras na ng trabaho ha!" Nanlalaki-laki pa ang mata ko na sabi ko kay Sofia.

Agad naman na napangiti si Sofia. "Sorry po Ma'am." Sabi niya sa'kin saka tumingin ulit siya kay Dylan. "Sige ha, pasok na ako ha maya na lang ulit Doc." Paalam niya kay Dylan saka mabilis na siyang pumasok sa Store.

Naiwan kami ni Dylan.

"Kailan pa kayo naging —" Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil bigla na lang umalis si Dylan.

Ang bastos talaga ng lalaking 'to!

Naiwan na lang akong mag-isa na nakatayo sa harap ng pinto.

Talagang pinanindigan nang Dylan na 'yun ang hindi pagpansin sa'kin ha. Ah! Kaasar!

DYLAN P.O.V

NGITING-NGITI AKO habang palayo kay Shane. Natutuwa ako dahil nakapag-isip na ako ng plano kung paano ako makaganti sa kanya.

Days ago ay lumapit sa'kin si Sofia, nagpakilala siya na nagtrarabaho 'raw siya kay Shane at sinabing matagal na 'raw niya akong crush.

Aaminin ko maganda siya at siya yung tipo ng babaeng mga gusto ko pero hindi ko alam kung bakit wala siyang ka-appeal-appeal sa'kin.

Hindi ko sana siya eentertain pero biglang may pumasok sa isip ko na plano at kakailanganin ko siya sa plano na 'yun.

Ang naging plano ko ay kakaibiganin ko si Sofia at lagi akong tatambay sa Store nila at kapag itatry akong kausapin ni Shane ay I will ignore her.

Syempre alam kong kakausapin ako ni Shane dahil pag-sasabihan nanaman niya akong tigilan ko si Sofia at wag ko siyang isasama sa mga girlfriends ko.

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon