CHAPTER ONE

3.9K 63 1
                                    


SHANE P.O.V


Kakalabas ko pa lang ng kuwarto ko nang makita kong nakaupo si Dylan sa harap ng Dining table namin at nakasuot pa siya ng pajama. Si Dylan ay kababata namin at bestfriend ni Kuya Andrew.

Umarko agad ang aking kilay. "Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Isang malapad na ngiti ang agad na gumuhit sa kanyang mga labi. "Makikitira muna ako dito —"

Hindi pa nga niya natatapos ang kanyang sinasabi ay agad ko na itong pinutol. "At bakit naman?" Masungit na tanong ko ulit saka umupo ako sa kaharap na upuan.

"Pinapaayos niya kasi ang bahay niya." Si Kuya Andrew ang sumagot kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh, Bakit? Eh bagong bili pa lang niya 'yun diba?" Punong-puno ng pagtataka na tanong ko.

Ang alam ko kasi isang buwan pa lang 'nung mabili ni Dylan ang bahay niya.

"Mutikan nang sunu —" Napatingin ako bigla kay Ryan, ang bunso naming kapatid. Pero hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil mabilis na tinakpan ni Dylan ang kanyang bibig.

Nagsalubong bigla ang aking mga kilay dahil sa ginawa ni Dylan. "Ano ang sinasabi niya?" Matalim ang tingin na tanong ko kay Dylan.

"Wala ang sabi lang niya Muntikan ko nang masunog ang bahay ko dahil naiwanan ko ang niluluto ko." Sagot niya na nakangiti ng alanganin.

Hindi agad nawala ang matalim na tingin ko sa kanya habang pinag-aaralan ko ang kanyang ekspresyon.

Alam ko at sigurado akong may ginawa nanaman siyang kalokohan kaya andito 'to sa bahay namin.

Nangyari na rin kasi ito dati na ilang araw din siyang nakitulog dito sa bahay dahil hinu-hunting siya ng asawa pala ng babaeng nilandi niya.

Nang makompirma ko ang aking hinala sa pamamagitan ng kanyangemspresyon ay agad ko nang binawi ang tingin ko sa kanya.

"Ang tanga mo rin ano!" Sabi na habang kumukuha ako ng isang tinapay.

"Wow! Kung makatanga naman!" Reklamo niya agad.

Embes na sa kanya ang titingin ay napatingin ako kila Kuya at Ryan dahil nagtawanan sila. "Totoo naman ang tanga mo!" Sang-ayon ni Kuya sa sinabi ko.

Dahil sa sinabi ni Kuya Andrew ay agad siyang tinitigan ni Dylan ng masama kaya naman sinipa ko tuloy ang paa niya.

"Aray!" Agad na Daing niya kaya sa'kin naman siya napatingin ng masama. "Napaka brutal mo talaga kahit kailan!" Reklamo pa niya.

Nginisihan ko lang siya. "Hanggang kailan ka ba titira dito?" Tanong ko na lang sa kanya.

"Hanggang sa hindi na siya hinahanap —" Sasagot nanaman sana si Ryan pero hindi nanaman niya natapos ang sasabihin dahil tinakpan nanaman ni Dylan ang bibig ng kapatid ko.

Agad akong napangiwi dahil sa hinawi ni Dylan. "Bakit ba kanina mo pa pinipigilan sumagot si Ryan!" Bulyaw ko na pangu-ngumpronta ko sa kanya.

Napangisi siya bigla at mabilis na inalis ang kamay sa bibig ni Ryan. Saka binulungan niya ito. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya sa kapatid ko kasi bulong ng 'diba.


DYLAN P.O.V


Kanina ko pa gustong katayin 'tong si Ryan. Ibubuko pa ako sa kapatid niya. Pag nalaman ni Shane na may kalokohan akong ginawa kaya hindi ako maka-uwi sa bahay naku sigurado akong ora mismo itatapon niya ako palabas.

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon