CHAPTER SEVENTEEN

494 20 1
                                    

SHANE P.O.V

Pagbalik ko sa store ay agad kong hinanap si Sofia para kausapin pero sabi ng mga staff ko ay umalis 'daw bigla ng walang paalam.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa guilt na nararamdaman ko towards her. Hahayaan ko na muna siya for the meantime dahil sigurado ako ngayon na galit pa siya. Maybe after a few days ay saka ko na siya kakausapin.

* * *

Habang nakaupo ako sa maliit kong opisina ay hindi ko maiwasan na mapangiti kapag naiisip ko na kami na ni Dylan.

Bigla-bigla na lang ay kinikilig ako. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko ngayon. Ganito pala ang feeling ng inlove at may boyfriend.

Sana ay hindi na matapos ang saya na itong nadarama ko. Sana forever na kami ni Dylan, na siya na sana ang maging first and last love ko.

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang nag-ring ang phone ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag. Napangiti ako ng malapad ng makita kong si Dylan.

"Hmmm?" Sagot ko sa tawag niya.

"I miss you." Sabi niya na kinakilig ko naman. Oo na ako na OA, eh sa ngayon ko lang naranasan 'to kaya pagbigyan niyo na.

"Wala pa ngang isang oras tayong naghiwalay miss mo na ako agad." Kahit kilig na kilig ako ay pinipigilan kong ipahalata.

"Bakit ikaw ba, hindi mo ako namiss?"

"Uhmmm... Syempre miss na 'rin kita." Kagat labing sagot ko habang nakangiti.

"Kung pwede lang sanang laging nasa tabi kita para hindi na kita namimiss." Dylan said. I rolled my eyes. Naku mukhang ini-echos na 'ata ako nitong boyfriend ko ha!

"Sus! Kunwari ka lang diyan!"

"Oo totoo gusto ko talaga na lagi tayong magkasama."

"Talaga?"

"Oo, para kasi akong nanghihina kapag hindi kita nakikita."

Napangiti ako bigla dahil sa sinabi ni Dylan. Pinagloloko na niya talaga ata ako ha.

"OA ka na kamo hindi na kapani-paniwala." Nakaismid na sabi ko.

Natawa siya sa kabilang linya ng malakas.

"Sabi ko na eh, pinagloloko mo na ako!" Nagtatampong sabi ko.

"Hindi naman noh, seryoso naman ako, namimiss na talaga kita, punta ka dito sa clinic." Malambing na ani Dylan.

"May ginagawa ako."

"Sus, kunwari ka pa diyan, alam ko hindi ka makapag-concentrate sa ginagawa mo kakaisip sa akin."

Tinwanan ko lang ang sinabi ni Dylan. "Wow! Ang lakas talaga ng loob ha!"

"Bakit hindi ba totoo."

I silent for a few seconds. "Oo na totoo na." Maya-maya'y pag-amin ko.

"Oh, kitam, sabi ko na nga ba eh."

"Heh —"

"Sige na punta ka na dito sa clinic, habang wala pa akong pasyente."

Nag-isip ako saglit. Since wala naman akong magawa dahil totoo naman ang sinabi ni Dylan na hindi ako makaconcentrate kaya ok lang naman siguro na sumaglit muna ako sa clinic niya.

"Sige, wait lang." Nakangiting sagot ko.

"Ok, I'll wait for you here." Masayang sabi naman ni Dylan. "I love you."

"I — I love you too." Hay! Grabe hindi pa ako sanay na nag-I love you. Pero pasasaan ba't masasanay 'din ako nito.

DYLAN P.O.V

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon