CHAPTER ELEVEN

698 27 2
                                    

Shane P.O.V

KANINA PA AKO hindi mapakali dahil naninibago ako sa kinikilos ni Dylan. Ano kaya ang nakain ng kumag na 'yun at bigla na lang nakipagkaibigan sa akin?

Pero ang mas malaking tanong is ano naman kaya ang pumasok sa isip ko at tinangap ko naman ang pakikipagkaibigan niya!? Well, hindi ko alam! Ah! Basta bahala na si Batman. Basta ang mahalaga ngayon ay hindi na kami magkaaway.

Paniguro talagang magugulat nito sina Kuya at Ryan. Pero siguro matutuwa na 'rin ang dalawang 'yun atleast 'diba hindi na kami magbabangayan sa bahay. Walang maingay at higit sa lahat wala nang sakitan ang magaganap.

Nakahingi na 'rin ako ng tawad sa kanya sa ginawa ko sa kanya last time kaya medyo nabawasan na ang bigat sa dibdib na naramdaman ko.

"Ma'am Shane, close na pala kayo ni Doc Dylan ha?" Narinig kong sabi ni Sofia sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya saka bumalik na ako sa ginagawa ko.

Dylan P.O.V

KANINA pa ako inip na inip na mag 6:00 pm para uwian na, buti na lang dumating din ang oras na hinihintay ko excited na kasi akong makasama si Shane pauwi na for the very first time ay hindi kami magkaaway. Naiisip ko pa lang na masaya kaming magkukwentuhan habang nagdidrive ako ay parang may kiliti na akong naramdaman. Kinikilig ba ako!? Shit! Not so me, grabe si Dylan na kilalang playboy kinikilig!

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon ito. Though kahit bago sa akin ang mga ganitong nararamdaman ko ay nageenjoy naman ako dahil atleast narasanan ko na kung ano ang feeling ng mainlove.

Natigil ako sa pag-iisip ng matanaw ko na si Shane na palabas sa Store, dali-dali kong pinaandar ang kotse ko at lumapit sa kanya.

Lumabas ako ng kotse at naglakad ako palapit kay Shane.

"Hi." Parang batang nahihiya na bati ko sa kanya.

Napailing-iling naman si Shane at napangiti.

"Hello." Gating bati naman niya habang nakangiti.

"Tara na." Yakag ko na saka pinabuksan ko na siya ng pinto.

Tumango lang siya at pumasok na sa loob ng sasakyan.
Mabilis akong umikot pabalik sa driver seat. Then nagdrive na ako.

Medyo tahimik lang kami habang nasa byahe, nagkakailangan pa symepre.

SHANE P.O.V

Ewan ko pa kung bakit parang kinikilig ako ngayon na magkasama kami ni Dylan, pero syempre hindi ko naman pinahahalata.

Siguro ganito lang ang nararamdaman ko dahil first time namin na magkasamang umuwi na hindi na magkaaway. The last time kasi kaming sabay na umuwi ay hinila ko lang siyang pauwi para hindi na makagimmick pero ngayon parang ang sarap sa pakiramdam na hindi ko na kinailangan pang hilahin siya para umuwi na.

'Yung tipo bang halo-halo ang nararamdaman ko kaya hindi ko 'rin talaga maexplain ang feelings ko ngayon.

"Shane—" Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang tawagin ni Dylan ang name ko kaya naman agad akong napalingon sa kanya.

"Hmmmmm....."

"Uhmmm— ano..... Hmmm.... May lakad ka ba bukas?" Ewan ko ba kung bakit nauutal-utal siya, nagtatanong
lang naman.

Sunday kasi bukas, kapag sunday ay hindi ako pumupunta sa Store. Kung baga rest day ko ang sunday.

"Uhmm... Wala naman... Bakit?"

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon