CHAPTER NINE

685 29 1
                                    

DYLAN P.O.V

PAGKA-UWI KO AY AGAD kong hinanap si Shane, medyo late na kasi akong nakalabas ng clinic dahil medyo dumami ang mga pasyente ko ng bandang hapon.

Isasabay ko sana si Shane pauwi para tanungin tungkol 'dun sa lalaking kausap niya kanina pero hindi ko na siya naabutan dahil naka-uwi na siya.

"Oh, Dylan andiyan ka na pala." Pansin sa'kin ni Andrew na naghahanda ng nakakain.

Nginitian ko lang siya. "Si Shane andiyan na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ah? Wala pa baka naman lumabas kasama ang mga kaibigan." Sagot ni Andrew na hindi man lang tumingin sa'kin.

Napakunot tuloy ako nang noo ng biglang tumingin sa'kin si Andrew.

"Teka lang, bakit mo hinahanp si Shane? Bati na ba kayo?" Biglang tanong niya.

Natigilan ako dahil sa tanong niya.

"Hindi pa." Mahinang sagot ko. "Natanong ko lang naman." Dagdag ko pa saka mabilis na akong pumasok sa kuwarto ko.

"Hay! Ano ka ba Dylan!" Saway ko sa sarili ko.

Napabuntong-hininga ako.

Nasaan kaya si Shane? Malamang kasama niya ngayon ang lalaking 'yun!

Pero imposible naman na agad siyang sasama o makikipagdate sa taong kakakilala pa lang niya!

Pero kanina nga nakasundo niya agad ang lalaking 'yun kahit kakakilala pa lang niya kaya may possibility na iyon nga ang kasama ni Shane!

Ahhhhhh!!!!

Bakit ba ako namomoblema kung sino man ang kasama ni Shane!?

"Stop acting like a jealous boyfriend?" Saway ko sa sarili ko.

Wait, jealous boyfriend?

Do I act like one!?

Oh, My! Wag mong sabihin na totoo ngang Inlove ako kay Shane? Noooooo!!!!

SHANE P.O.V

AYAW KO SANANG sumama sa mga kabatch ko noong highschool kaya nga lang pinilit nila ako, minsan lang naman 'daw kami mag-get together kaya pinagbigyan ko na.

Ayaw kong sumasama sa get together ng mga kabatch ko dahil wala naman ibang bukang bibig ang mga girls na mga kaibigan ko kundi about sa mga boys. About sa mga boyfriends nila or sa mga manliligaw nila.

Eh ako wala naman akong maikwento kasi hindi naman ako nag-eentertain ng manliligaw at lalong-lalo na hindi pa ako nagkakaboyfriend.

Hindi naman sa pihikan ako or something, basta ayaw ko lang pa magkaroon nang boyfriend saka hindi pa kasi ako naiinlove eh. Gusto ko kasi 'yung first love ko ay siya na ang mapapangasawa ko para hindi papalit palit ng boyfriend, diba?

"Shane, diba bestfriend nang Kuya mo si Dylan?" Bigla akong napatingin kay Bea. Isa siya sa mga kaclose ko noong highschool pa lang kami kaso nga lang pagdating namin ng College ay magkaibang University ang pinasukan namin kaya hindi na kami ngayon ganun magkaclose.

Napatango ako sa tanong niya. "Bakit?"

"Ahh, I used to see him kasi sa club na pinupuntahan ko pero recently hindi ko na siya nakikita doon, may nangyari ba sa kanya?"

Wow! Mukhang marami 'atang nakakamiss kay Dylan dahil sa ilang araw niyang hindi pag-gimmick.

Napakibit-balikat ako. "Wala naman, siguro nagsawa na siya sa kakagimmick kaya siguro hindi na siya lumalabas." Sagot ko na naka-half smile ako.

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon