CHAPTER THREE

923 30 2
                                    

DYLAN P.O.V


MASAKIT ang ulo ko kaya parang ayaw ko pang imulat ang mga mata ko pero biglang may nakapa akong tao na katabi ko.

Mabilis akong napalingon sa kanya at nakita ko ang hindi ko kilalang babae na natutulog sa tabi ko.

"Hahh!" Napasigaw ako at dali-daling napabangon, nagising naman bigla ang babae.

"Hi sweety." Nakangiting bati niya sa'kin.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya na nakangiti ako ng alanganin.

"Hindi mo na ako matandaan —"

"Ano ginagawa mo dito?" Hindi ko na pinatapos ang sinsabi niya

"Huh? — Eh, Ikaw nagdala sa'kin dito ha, —" Takang sagot niya.

Ano? Talaga?

Patay! Mabilis akong tumayo at kinuha ko ang damit ko. "Magbihis ka na bilis —" Utos ko sa babae habang nagbibihis na ako.

"Bakit?"

"Basta magbihis ka na, bilisan mo— naku lagot ako kapag nahuli ako nito." Sabi ko pa habang patuloy ako sa pagbibihis.

Pagkatapos namin magbihis ay dahan dahan akonng sumilip muna sa pinto. "Tara na — " sabi ko sa kanya ng masiguro kong walang tao sa labas.

"May pinagtataguan ka ba?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Wag kang maingay." Saway ko sakanya saka naglakad ako ng maingat palabas pero biglang nanlaki ang mata ko sa pagkagulat ng makasalubong ko si Shane na galing sa labas.

Tiningnan niya ako ng masama at napadako 'din ang tingin niya sa babae na nasa likod ko.

Alam ko na ang mangyayari kaya hinawakan ko sa kamay ang babae. "Bilisan mo takbo!" Utos ko sa kanya saka hinila ko siya palabas.


SHANE P.O.V


PAGKAKITA ko na may kasamang babae si Dylan at patakas pa sila ay biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Sabi ko nang 'wag na 'wag siyang magdala ng babae dito sa bahay!

Anong akala niya sa bahay namin Motel! Pagkasigaw ni Dylan sa babae na takbo ay tumakbo 'din ako papuntang kuwarto ko para kunin ang baseball bat ko.

Pagkakuha ko ay mabilis kong hinabol sila.

"Hoy bumalik ka dito!" Sigaw ko kay Dylan. Pero patuloy pa 'rin siya sa pagtakbo.

"Sino ba 'yun? Asawa mo?" Narinig kong tanong nang babae kay Dylan habang tumatakbo sila.

"Mas malala pa sa asawa!" Sagot naman ni Dylan.

"Hindi ka titigil ha!" Sigaw ko saka tumigil ako sa pagtakbo, tumayo ako ng tuwid at inasinta ko si Dylan. Saka malakas kong ibinato sa kanya ang hawak kong Bat. Boom! Sapol! Bumaksak sa harap niya at tumama sa paa niya kaya natumba siya.

Pagkatumba ni Dylan ay mabilis akong lumapit sa kanya. Ang babae naman ay ayon tuloy pa 'rin sa pagtakbo.

"Huli ka!" Nakangising sabi ko sa kanya.

"Aray! Ang sakit nga paa ko!" Daing niya habang hawak-hawak ang paa niya na natamaan.

"Anong sabi ko sayo? — sabi ko wag na wag kang magdala ng babae sa bahay!" Kompronta ko sa kanya.

"Lasing ako kagabi, hindi ko matandaan kung paano ko siya nadala diyan sa bahay."

"Lasing! Lasingin ko ang mukha mo diyan!" Sabi ko sabay hinila ko siya patayo.

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon