LIVING WITH THE BOYS 2 (THE RETURN OF THE BRIDE) 3

499 15 0
                                    

CHAPTER THREE

Kinabukas ay tulad nga ng suggestion ni Dylan ay nagpa-CT Scan nga ako para malaman ko 'rin kung ok na ba talaga ako or may internal bleeding ba.

Mas maganda na 'iyon maniguro kesa naman sa late ko na malaman na may problema kung kailan malala na.

Sa awa ng Diyos ay ok naman ang lahat sa akin. Buti na lang talaga at hindi masama ang pagkakabagsak ko kundi naku goodbye world na sana ako.

Bwiset na towel kasi 'yun ipinahamak pa ako.

Pagkatapos kong magkuha ang result ay dederetso na ako pabalik sa Store.

Nakatayo ako sa may harap ng hospital at naghihintay ng taxi ng biglang may humintong kotse sa harap ko kaya napatingin ako kung sino.

"Dylan?" Pabulong na nasambit ko ng maaninag ko ang sakay ng kotse.

Inopen niya ang window sa may gawi ko.

"Pauwi ka na ba?" He asked.

'Ano kaya ang ginagawa niya dito?' Mahinang takang tanong ko sa sarili ko.

"Hindi pa, kakarating ko pa lang." Pagsisinungaling ko.

Simula kasi kahapon ay iniwasan ko na siyang makita or makausap man lang. Kasi mahirap na baka traydurin pa ako ng damdamin ko at bigla na lang akong magmakaawa sa kanya na balikan na niya ako dahil Mahal ko pa siya.

"Huh? Bakit nakatayo ka dito?" Hindi naniniwalang tanong niya.

Bigla tuloy ako nakaramdam ng inis.

Bwiset na Dylan na 'to hindi porket naka move on na siya may karapatan na siyang basta-basta na lang akong kausapin or lapitan kung kailan niya gusto.

Dahil sa presence niya mas lalo tuloy akong nahihirapan magmove on. Maliban pa 'dun mas lalo akong nasasaktan dahil sa tuwing nakikita ko siya ay narerealize ko ang katangahan na nagawa ko dati.

"Ahhhh..... kakababa ko pa lang kasi ng taxi, then since medyo matagal-tagal din kasi akong hindi napunta dito kaya tiningnan-tingnan ko muna ang paligid." Alanganin ang ngiti na sagot ko.

Buti na lang kahit papaano ay mabilis akong mag-isip ng palusot.

Nag-isip siya sandali, siguro iniisip niya kung maniniwala ba siya o hindi. "Oh, ok. Sige pala mauna na ako." Buti na lang naniwala siya.

"Ok. Pasok na 'rin ako" Sagot na paalam ko naman saka nagkunwari na akong papasok na 'rin sa loob ng hospital.

Nang matanaw kong nakaalis na si Dylan saka ako bumalik sa kinatatayuan ko.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

I miss Dylan, gusto ko 'rin sana siyang makasama pero hindi na pwede eh. Gusto sana siyang muling makakwentuhan pero hindi ko pa kaya dahil sasaktan ko lang sarili ko. Kaya naman mas mainam na 'tong iniiwasan ko siya.

--------------------

One week na 'rin ang nakakalipas mula ng bumalik ako pero ewan ko ba kung bakit sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay talagang kailangan lagi kong nakikita si Dylan.

Oo alam ko naman magkaharap lang ang clinic niya at store ko kaya talagang hindi ko maiiwasan na hindi siya matanaw.

Ok lang 'din naman sana na nakikita ko siya dahil kahit papaano ay natutuwa din ako na nakikita siya kaso nga lang ang kinasasama ng loob ko ay kapag nakikita ko siya ay kasama niya ang girlfriend niya at ang sweet sweet pa nilang dalawa. Mas lalo tuloy akong nasasaktan.

Minsan hindi ko alam kung sinasadya ba niya o talagang nagkakataon lang. Pero sa bagay wala naman siyang dahilan para sadyain niya na ipakita sa akin ang sweetness nila ng girlfriend niya dahil sabi nga niya ay nakamove-on na rin naman siya.

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon