LIVING WITH THE BOYS 2 (THE RETURN OF THE BRIDE) 5

502 15 0
                                    

☆☆CHAPTER FIVE☆☆

"Shane —" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig kong tawagin ako ni Dylan. Ano nanaman kaya ang kailangan niya.

Lumingon ako sa kanya pero hindi ko inaasahan na kasama niya pala ang kanyang girlfriend kaya nagulat pa ako.

Nagkangitian lang kami ng kanyang girlfriend.

Pero kahit na nakangiti ako ay may nararamdaman akong selos pero syempre hindi ko naman pinahalata dahil in the first place ay wala naman akong karapatan para magselos.

"Bakit?" Kaswal na tanong ko sa kanya na pilit kong pinapasigla ang boses ko.

"Saan ka pupunta?" Embes na sumagot ay nagtanong pa siya ulit sa akin na umakbay pa siya sa girlfriend.

Nakaramdam tuloy ako na para bang gusto kong hablutin si Dylan at ilayo sa girlfriend niya. Bakit ba kasi kailangan pa niyang iapakita sa akin ang pagiging sweet niya sa girlfriend.

Hindi ba pwedeng pigilan na muna niya ang pagiging sweet niya sa kasintahan para respeto na 'rin niya sa akin dahil Ex niya ako.

Sa ginagawa kasi niya ay parang hindi naging kami. 'Yung tipo bang akala niya ay manhid ako, minsan nga ay gusto ko nang sawayin siya at sabihin na 'wag naman niyang ipapakita sa akin harap-harapan ang sweetness nila dahil nasasaktan at nagseselos ako dahil mahal ko pa siya kaso nga lang hindi ko naman iyon pwedeng sabihin dahil ang akala niya ay ok na 'rin ako at naka move on na ako.

Kaya naman kinikimkim ko na lang sa sarili ko ang sakit na naramramdaman ko.

"Diyan lang, eme-meet ko lang kay Ethan." Pagsisinungaling ko pero ang totoo ay pupunta lang naman ako sa Café ni Kuya.

Sinabi ko na makikipagkita ako kay Ethan dahil nagselos ako kasi kasama niya ang girlfriend niya kAya kung baga pambawi ko lang 'yung sagot ko para hindi naman ako magmukhang kawawa.

Napansin kong biglang umasim ang mukha ni Dylan at tinangal niya ang pagkakaakbay sa girlfriend saka tumingin siya sa kasintahan. "Hon, hintayin mo na lang ako sa loob ng clinic ha." Utos niya sa kasintahan.

Tumango naman ang girlfriend niya at nginitian muna ako bago umalis.

Napalunok ako bigla ng kaming dalawa na lang ang naiwan. Nanlaki pa ang mata ko ng lumapit pa sa akin si Dylan ng bahagya.

"Ba—bakit?" Nauutal-utal na tanong ko sa kanya.

Pero hindi siya sumagot, tinitigan lang niya ako sa mata. Dahil sa pagkakatitig niya sa akin ay sunod na sunod na lunok naman ang ginawa ko at hindi 'rin ako makakurap. Maging ang pagkabog ng dibdib ko ay biglang bumilis 'rin.

"Are you dating Ethan?" Maya-maya'y nakakunot ang noo na tanong ni Dylan sa akin. Hindi ko inaasahan ang tanong niya na 'yun kaya natulala akong nakatingin lang sa kanya.

"Are you dating him?" Ulit niya sa tanong niya dahil hindi ako sumagot.

Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko. Magsisinungaling ba ako at sasabihin ko na OO or sasabihin ko ang totoo na hindi, dahil hindi naman ako sumasama kay Dylan para makipagdate kundi dahil magkaibigan lang kami.

Pero naiisip ko bakit naman ako magsisinungaling? Para pagselosin siya? Magseselos naman kaya siya?

'Oo magseselos siya —' Nasa isip ko.

Magseselos siya at bakit naman siya magseselos samantalang mukhang masaya naman siya sa girlfriend niya.

Pero hanggang ngayon kasi ay palaisipan pa 'rin sa akin ang mga nakaraan araw na nakikita kong parang nagseselos siya kay Ethan.

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon