CHAPTER FOUR

840 31 1
                                    

DYLAN P.O.V


PAGLABAS ko ng clinic para umuwi na ay bigla kong natanaw si Shane na palabas na 'rin ng Shop niya. Magkaharap lang kasi ang building na kinaroroonan ng Clinic ko at ng Bookstore ni Shane.

Mabilis tuloy ulit akong napabalik sa loob ng clinic. "Sana naman hindi niya ako nakita." Bulong na hiling ko.

After ng mga about one minute ay sisilipin ko sana kung nakaalis na si Shane pero nagulat ako ng pagsilip ko sa glass door ay bumulaga sa harap ko si Shane na nakasilip at nakangisi.

Sa gulat ko ay bigla akong napaayos sa pagkakatayo saka pasimpleng binuksan ko ang pinto. Para hindi mahalata na pinagtataguan ko siya.

"Pinagtataguan mo ba ako?" Nakapamaywang na tanong niya sa'kin pagkabukas ko ng pinto.

"Huh? Ako? Pinagtataguan kita? — hindi ha! —"

"Halata nga!" Sarkastikong aniya.

"Ikaw naman bakit naman kita pagtataguan?"

"Dahil takot ka sa'kin." Nakataas ang kilay na sagot niya.

Tumawa ako ng malakas. "Hindi ako takot sayo noh! Bakit naman ako matatakot sayo?"

She smirk at inakbayan niya ako. "Dahil baka mabugbog kita."

"Patawa ka talaga!" Sabi ko sabay tangal ng kamay niya na nakaakbay sa'kin. "Sige mauna na ako." Dagdag ko saka akmang maglalakad na ako ng hinawakan niya ako sa braso saka hinila.

"Saan ka pupunta — Umuwi na tayo?" Sabi niya habang hila-hila ako.

"Saglit lang may pupuntahan pa ako —" Pigil ko sa kanya.

Pero hindi siya nagpapigil. Patuloy pa 'rin siya sa paghila sa'kin. "Habang nasa bahay ka nakatira bawal kang uminom at gumimick!"

"Ano!"

Tumigil siya sa paglalakad dahil nasa harap kami ng kotse ko. Ngumiti siya sa'kin. "Kung ayaw mong sumunod, malaya kang makakaalis sa bahay!"

Napatampal na lang ako sa noo. "Paano na ang mga girlfriends ko mamimiss nila ako —"

"Hayaan mo sila na mamiss ka — "

"Ano!?" Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Bilis na unlock your car!" Nakasalubong ang kilay na utos niya.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Lalayas na talaga ako sa bahay nila, hindi ko na ma-take ang mga gusto niya.

Sumakay na si Shane sa kotse ko kaya naman sumakay na 'rin ako at pinaandar ang sasakyan.

Habang nasa byahe kami pauwi ay wala siyang imik kaya naman nilingon ko siya. Nakatulog na pala ang Amazona. Napailing-iling na lang ako at napangiti.

Mukhang mabait nga siya kapag natutuloy. Walang mag-aakala na Amazona pala pag-gising siya.

PAGDATING namin sa bahay ay hindi ko muna siya ginising. Napalingon ako sa kanya at pinagmasdan ko siya habang natutulog. Ito ang unang beses na napagmasdan ko siya ng malapitan na hindi siya nagtataray o galit. In Fairness ha, maganda naman siya.

Nang biglaang napadako ang tingin ko sa labi niya. Grabe natural na mapula ang labi niya. Alam kong natural dahil halata naman na hindi siya nakalipstick. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at bigla kong inilapit ang mukha ko sa kanya.

Saglit kong pinamasdan ang mukha niya sa mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Smack lang naman pero parang may kakaibang kuryente akong naramdaman kaya naman mabilis akong napalayo sa kanya.

LIVING WITH THE BOYS  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon