Binibini maaari bang hawakan mo na?
Hawakan ang mahaba at matigas kong pluma,
Hawakan at hintaying lumabas ang katas na tinta,
Haplusin mo hanggang sa makabuo tayo ng mga salita.Haplusin at iyong namnamin,
Namnamin ang mga salitang aking babanggitin,
Haplusin mo at iyong laruin,
Laruin ang matigas na pluma at limiin.Limiin ang bawat katagang bibitawan ko,
Limiin kung may katotohanan ba ito?
At pakinggan ang mga sasabihin ko,
Pakinggan at iukit mo sa iyong puso.Maaari ko bang ipasok sayo?
Ipasok ang lihim na pagtingin ng munting puso,
Ipasok sa malawak at madilim mong mundo,
Hayaan mong ipasok ko nang lumiwanag ito.Ngayon binibini maaari bang iyong ibuka?
Ibuka ang iyong munting puso ng bahagya,
Upang makapasok ang nag-uumapaw kong nadarama,
Hayaan mong makapasok upang makamit natin ang rurok ng ligaya.
YOU ARE READING
A Poem Compilations
PoetryMga letrang hinabi sa pamamagitan ng pluma at tinta upang makagawa ng isang tula.