Bakit hindi mo subukang muling ibuka?
Ibuka ang iyong puso at tanggapin ang alay na pag-ibig sinta
Muling ibuka at kalimutan ang mga ala-ala
Ala-alang nagiging dahilan kaya ay nahihirapan ka.Bakit hindi mo subukang ibuka muli ang 'yong puso
Ibuka at hayaang may bagong pumasok dito
Ibuka mo at kalimutan ang nakaraan mo
Ibuka mo at bayaang may manahan ulit at humilom nito.Ibukang muli ang iyong puso ng mailabas
Mailabas lahat ng pighati at sakit na iyong dinanas
Ibuka at mga pasanin ay hayaang pumagaspas
Hayaang pumagaspas palayo at maibulalas.Maibulalas lahat ng sakit na iyong pasan-pasan
Sa muling pagbuka ng puso mong sugatan
Asahan mong mawawaksing lahat ng kalungkutan
At mapapalitan ito ng kaligayahan.Muling ibuka at hayaan nalang ibaon
Ibaon sa limot ang sakit na dulot ng kahapon
Ibaon lahat ng mga ala-ala upang makaahon
Makaahon sa sakit at muling bumangon.Ibaon mo nalang sa limot ang iyong nakaraan
Hayaang maibaon sa limot nang iyong matakasan
Matakasan ang ala-alang dulot ng kalungkutan
Mga ala-alang nagiging dahilan kaya ka nasasaktan.Ngayon at iyo na ngang muling naibuka
Naibuka ang iyong puso at ako'y tanggapin mo sinta
Asahan mong mananatili ng maibabaon ang iyong mga ala-ala
Ngayong naibuka mo na at hinayaang maibaon hindi ba't nakaraos ka?
YOU ARE READING
A Poem Compilations
PoetryMga letrang hinabi sa pamamagitan ng pluma at tinta upang makagawa ng isang tula.