Pusong Bilasa

10 3 0
                                    


Binibini napag-alaman kong bilasa na ang iyong puso
Sapagkat marami ng ginoo ang nakapasok dito
Pina-ibig ka lang at iniwang nagdurugo
Pinaikot, pinaglaruan at niloko.

Kaya naman puso mo ay naging bilasa
Sa dami ba naman ang saiyo'y umangkin na
Inangkin at puso mo'y pinaglaruan pa
Matapos himasin puso mo'y iiwan na.

Hinimas gamit ang mabulaklak na salita
At pansamantalang saya saiyo'y ipinadama
Ang pagiging marupok mo'y kanilang sinamantala
Sinamantala at ikaw'y pinaniwala sa mga kataga.

Sa dami ng umangkin sa puso mo
Kaya naman naturingang bilasa ito
Dahil sa kung sino-sinong taong nakarelasyon mo
Mga taong walang ginawa kundi linlangin iyong pagkatao.

Ngunit binibini kung puso mo man ay bilasa
Saakin 'yan ay hindi alintana
Sapagkat tila ba'y yelo ang pagmamahal na saiyo'y ipadarama
Mistulang yelo kung kaya naman puso mo'y magiging sariwa.

A Poem CompilationsWhere stories live. Discover now