Binibini maaari bang hawakan mo na?
Hawakan ang matigas kong sandata
Hawakan at himas-himasin mo muna
Himasin mo lang hanggang sa lumabas na.Ayan na binibini malapit ng lumabas
Malapit ng lumabas ang hinihintay na katas
Katas ng sandata kong saatin ay maglalandas
Maglalandas sa'tin tungo sa ligayang wala ng bukas.Binibini higpitan mo pa ang pagkakahawak nito
Upang hindi makawala sa'yo
Hawakan mo ng maigi at namnamin mo
Namnamin upang ganahan ang sandata ko.'Yan na binibini malapit na tayong makaraos
Humiyaw ka lang hanggang sa mapaos
Ayos lang kahit pawis nati'y patuloy sa pag-agos
Ang mahalaga ginagawa natin ay matapos.Binibini magandang balita sapagkat malapit na
Malapit mo ng matutunan ang paghawak ng aking sandata
Sa paghawak mo ay malapit ng lumabas katas niya
Binibini natututo kanang hawakan ang aking pluma.Ngayon binibini katas na tinta ay lumabas na nga
Ngayon simulan mo ng magsulat ng mga letra
At pagbuklod-buklurin nang makabuo tayo ng mga kataga
Ngayon binibini nakagawa kana ng isang piyesa.
YOU ARE READING
A Poem Compilations
PoetryMga letrang hinabi sa pamamagitan ng pluma at tinta upang makagawa ng isang tula.