Binibini ako ay isang pantas
Mayroong sandatang matigas
Laging nakahanda anumang oras
Kapag hinimas mo'y lumalabas ang katas.Laging matigas itong aking sandata
Sa katas na inilalabas maraming nagagawa
Hindi ito patitinag kahit sino pang makabangga
Sa nagagawa ng katas nito ikaw'y mapatutulala.Binibini baka nais mong subukan itong aking sandata
Hawakan mo ng maigi nang lumabas ang katas niya
Aalisin nito ang lungkot na iyong nadarama
Ito ang susi kapag bibig mo'y hindi mo na maibuka.Sa pamamamagitan ng sandata ko maaalis ang sakit
Sakit ng iyong nakaraan na sa puso ay nakaipit
Itataboy lahat ng iyong mga hinanakit
Kaya n'yang patamisin ang buhay mong mapait.Kapag katas ng sandata ko ay lumabas na
Simulan mo ng ilapat ang napili mong letra
Ilapat mo nang makagawa ka ng mga kataga
Mga katagang hindi na maibigkas ng bibig mo sa sakit na nadarama.Kapag bibig mo'y sa sakit na nadarama ay wala ng maibulalas
Narito ang sandata ko nang problema mo ay malutas
Tutulungan ka nitong hilumin puso mong butas
Ngayon binibini nais mo bang gamitin aking armas?
YOU ARE READING
A Poem Compilations
PoetryMga letrang hinabi sa pamamagitan ng pluma at tinta upang makagawa ng isang tula.