Sabay Nating Tatahakin Ang Maliwanag Na Landas

10 3 0
                                    


Binibini napansin kong malaki na ang buka
Ang buka ng iyong puso dahil sakan'ya
Bumuka dahil sa sugat na saiyo'y idinulot niya
Lumaki ang buka mula nang saktan ka n'ya.

Gusto mo bang hilumin ko ang iyong sugat?
Hilumin at init ng pagmamahal ko'y ilalapat
Ipapasok sa nakabuka mong puso nang mag-ugat
Mag-ugat ang pag-ibig kong mainit pa sa tanghaling-tapat.

Napansin ko ring mistulang gubat na ito
Isang gubat na tila ba'y walang naninirahang tao
Naging isang gubat sapagkat dumilim ang paligid nito
Dumilim buhat ng ikaw ay saktan ng unang inibig mo.

Subalit binibini kung iyong mararapatin
Maaari bang iyong gubat ay aking lilinisin
Lilinisin ang magubat na puso at papawiin
Papawiin ang sakit ng iyong damdamin.

Ngayon nga ay nahilom ko na ang sugat mo
Batid kong pagkakataon na upang ipasok ito
Ipasok ng dahan-dahan sa matigas mong puso
Ipapasok ko upang lumambot ito.

Sa pagpasok ay isisiwalat ko sa loob ang katas
Katas ng pagmamahal at makraramdam ka ng ligayang wala ng bukas
Upang makabuo tayo ng pag-ibig na wagas
At sabay nating tatahakin ang maliwanag na landas.

A Poem CompilationsWhere stories live. Discover now