Binibini ngayong gabi ikaw'y aking papasukin
Papasukin upang wasakin
'Wag kang matakot at iyo lang namnamin
Ako ang bahala kumapit ka lang sa'kin.Sapagkat papasukin ko ang puso mong makipot
At wawasakin ang kalungkutang bumabalot
Lilinisin ang hinanakit na nagiging salot
Binibini kumapit ka lang at 'wag kang matakot.Ngayong gabi habang pinapasok ko
Pinapasok ang makipot mong puso
Papasukin at ipuputok sa loob nito
Ipuputok sa loob ang pag-ibig na inaalay sa'yo.Ipuputok sa loob ang katas ng pagmamahal
Padadaluyin sa puso mong makipot pa sa kanal
Hindi patitinag kahit na sinong dumatal
Ikakalat ang katas ng pag-ibig na matamis pa sa asukal.Sa pagputok sa loob asahan mong ito'y mawawasak
Mawawasak ang hinanakit na nakasaksak
Papalitan ko ito ng ligaya at galak
Nang puso mo ay muling humalakhak.
YOU ARE READING
A Poem Compilations
PoesiaMga letrang hinabi sa pamamagitan ng pluma at tinta upang makagawa ng isang tula.