Ang Katas Ng Pagmamahal

20 3 0
                                    


Binibini nais mo bang matikman ang katas?
Katas ng pagmamahal kong wagas
Nang makaramdam ka ng ligayang parang wala ng bukas
Katas ng lumalagablab kong pag-ibig na sa'yo lang ipararanas.

Halika binibini katas ng pag-ibig ko'y iyong namnamin
Namnamin mo upang maabot mo ang bitwin
Sa katas na ipamamalas sugat ng puso mo'y hihilumin
Sa katas ng pagmamahal pagod mo'y papawiin.

Ngayon binibini ipapasok ko ang katas ko
Ipapasok ko sa iyong munting puso
Nang mahilom ang pagdurugo nito
Ipapasok ang katas nang makabuo tayo.

Makabuo ng walang hanggang pagmamahalan
Dahil sa katas ng pagmamahal mapapawi iyong kalungkutan
Hihilumin ang sugat ng iyong nakaraan
At lilinisin tinik na iyong dinadaanan.

Binibini tikman mo ang katas ng pagmamahal ko
Tikman mo ng umukit ito sa busilak mong puso
Namnamin nang lumiwanag ang mundo mo
At sabay nating salubungin ang bagong yugto.

Bagong yugto ng buhay at kinabukasan
Sabay nating talikuran ang nakaraan
Papalitan ko ito ng pag-ibig na walang hanggan
At sa anomang pagsubok ikaw ay sasamahan

A Poem CompilationsWhere stories live. Discover now