Handa Kabang Ibuka?

11 2 0
                                    


¶ Binibini sa huling pagkakataon tatanungin uli kita,
Binibini handa kana bang ibuka?
Ibuka ang iyong munting puso ng bahagya,
Upang makapasok ang lumagabgab kong nadarama.

Binibini sa tinagal-tagal ko na rito sa mundo,
Ngayon nalang muli lumambot ang matigas na 'to,
Lumambot ang matigas kong puso,
At lahat ng iyan ay nangyari dahil sayo.

At ngayon binibini handa kana bang ako'y papasukin?
Papasukin sa iyong puso at damdamin,
Papasukin mo at pag-ibig ko'y iyong namnamin,
Namnamin ang bawat katagang aking babanggitin.

Binibini bakit hindi mo nalang ibuka?
Ibuka ang iyong puso at alisin siya,
Alisin ang taong naging dahilan ng iyong pagluha,
Binibini ibuka mo at ipalit mo ako sakan'ya.

Binibini kahit anong oras handa akong pumasok,
Pasukin ang makipot mong puso at masulasok,
Aking lilinisin kung sakali mang balot na iyan ng alikabok,
Papakintabin hanggang sa sukdulan ay maarok.

Binibini batid kong sabik na sabik kana,
Sabik na sabik mapasukan ang puso mong nagdurusa,
Binibini hayaan mong pasukin ko iyan upang mapawi ang sakit na nadarama,
Binibini aasahan mong iaahon kita sa iyong pagkadapa.

O mahabaging tala sa langit,
Nawa'y gabayan mo ang aking katagang sinasambit,
Gabayan mo upang sa puso niya'y umipit,
Gabayan mo nawa nang rurok ng ligaya ay aming makamit. ¶

A Poem CompilationsWhere stories live. Discover now