Binibini maaari bang iyong ibuka?
Ibuka ang puso mo ng bahagya
Ibuka at h'wag ng mag-alinlangan pa
Ibuka mo lang at ipikit iyong mga mata.Ibuka mo lang at hayaang aking ipasok
Ibuka ang iyong pusong masulasok
Pusong napabayaan at binalot ng alikabok
Pusong may nakaipit na hinanakit sa bawat sulok.Ipasok ang nag-uumapaw na pagmamahal
Pagmamahal kong matamis pa sa asukal
Ibuka mo ang puso mong makipot pa sa kanal
'Di ako patitinag kahit ilang unos pa ang dumatal.Ibuka mo ang iyong puso nang aking maibaon
Maibaon ang pag-ibig sa puso mong napag-iwanan ng panahon
Habang nakabuka akin naman sasamantalahin ang pagkakataon
Sasamantalahin na ikaw ay maangkin ko ngayon.Ibuka mo ng maibaon ang pag-ibig na alay ko
Ibabaon sa sugatan at nagdurugo mong puso
Ibabaon ko nang mahilom ang sugat nito
Hayaan mong maibaon nang magbunga ito.Magbunga ng isang masayang kwento
Sa ibinaon kong pag-ibig sa nakabuka mong puso
Masayang kwento na mayroong ikaw at ako
Bungang kwento na papamagatan nating TAYO.
YOU ARE READING
A Poem Compilations
PoésieMga letrang hinabi sa pamamagitan ng pluma at tinta upang makagawa ng isang tula.