Binibini nais mo bang tayo ay maglaro?
Huhubaran kita at huhubaran mo rin ako
Ngayong gabi ubusin mo ang saplot ko
Tulad ng pag-ubos ko sa saplot mo.Hubarin mo ang suot kong kalungkutan
Saplot na naglalaman ng nakaraan
Saplot nating dalawa na walang kasiyahan
Saplot na naging dahilan kaya ay nasasaktan.Ngayong gabi ay maghuhubaran tayong dalawa
Nang maalis ang saplot na puno ng ala-ala
Ala-alang mas nagpahihirap sa'ting nadarama
Mga ala-ala noong iniwan tayo nila.Ngayong gabi matapos mahubad ang saplot natin binibini
Saplot na puno ng pagpapanggap at pagkukunwari
Saplot na kung saan ang paghihirap ay nakakubli
Asahan mong tayong dalawa ay muling ngingiti.Matapos nating mahubad lahat ng ito
Simulan nating pagdikitin ng mag-init tayo
Pagdikitin ang pusong malamig pa sa yelo
Pag-dikitin ng uminit ang nanlamig na puso.Matapos pagdikitin asahan mong tayong dal'wa ay iinit
Mawawaksing lahat ng puot at hinanakit
Matatanggal kalungkutang sa puso ay nakaipit
Iinit at tatahan ang pusong sakit lang ang sinapit.Pagkatapos nating hubarin ang lahat
Sabay nating didiligan ang pusong sa pag-ibig ay salat
Didiligan ng pagmamahal nang muling mag-ugat
Mag-ugat ng pag-iibigang higit pa sa sapat.Ngayong gabi sa kalungkutan ay hindi na muling kukubli
Sa pagpikit ng mga mata babaunin ay ngiti
Ngayong gabi tatahan mga puso natin sa paghikbi
Ngayon binibini payag kabang maghubaran tayo ngayong gabi?
YOU ARE READING
A Poem Compilations
PoesíaMga letrang hinabi sa pamamagitan ng pluma at tinta upang makagawa ng isang tula.