Huhubaran Kita

23 5 0
                                    


Binibini ngayong gabi ay sisimulan ko na,
Dahan-dahang huhubaran kita,
Huhubarin ang suot mong maskara,
Maskarang nagkukubli sa lungkot na nadarama.

Ngayong gabi habang ika'y hinuhubaran ko,
Kasabay ng paghaplos sa likuran mo,
Upang mapawi ang sakit na pasan-pasan mo,
Binibini huhubaran kita at bibihisan ng pagmamahal ko.

Ipapasok ang nag-uumapaw na nararamdaman,
Papawiin ang iyong kalungkutan,
Hihilumin ang sugat na dulot ng nakaraan,
Ipaparanas sa'yo ang ligayang walang hanggan.

Binibini ngayong gabi ay aking huhubarin,
Ang suot mong maskara at pighati'y papawiin,
Ang iyong madilim na mundo'y papakinangin,
Sa tamis ng aking pagmamahal maaabot mo ang bitwin.

Ngayong gabi matapos na hubaran kita,
Hubaran ng suot mong maskara,
Maskara ng pagkukunwari,
Upang sakit na nararamdaman ay maikubli.

Ipalalasap ko sa'yo ang init ng aking pagmamahal,
Sisisirin ang puso mong makipot pa sa kanal,
Ipalalasap sa'yo ang rurok ng ligaya,
Ngayon binibini payag kabang hubaran kita?

A Poem CompilationsWhere stories live. Discover now