Binibini magkaiba man ang ating hilig,
Subalit mga puso nati'y ipinagbuklod ng pag-ibig,
Tanging pagmamahal ang mababakas sa bawat titig,
Dalawang puso ngunit iisa ang pintig.Ikaw ay mahilig sa mga musika,
At ako nama'y isang makata,
Ngunit tula ko'y kaya kong gawing kanta,
At iaawit sa'yo aking sinta.Gagawin ang lahat upang ika'y maging masaya,
Kahit garalgal ang tinig aawitan kita,
Kasabay sa pagkalabit ng kwerdas ng gitara,
Tataglayin mo ang ngiting hindi maipinta.Sisiguraduhin kong papatak iyong mga luha,
Papatak dahil sa dulot na ligaya,
Maghapon magdamag ikaw lang ang nais kong makasama,
Aawitan kita hanggang sa umaga'y sumapit na.Sapagkat ikaw lang ang nag-iisa sa aking puso,
Ang binibining nagmamay-ari ng aking mundo,
Ang nag-iisang binibining pag-aalayan ng pag-ibig ko,
Ang binibining magiging prinsesa ng kaharian ko.
YOU ARE READING
A Poem Compilations
PoesíaMga letrang hinabi sa pamamagitan ng pluma at tinta upang makagawa ng isang tula.