DISYERTONG PUSO

9 3 0
                                    


Binibini tila ba'y napadpad ka sa disyerto
Kapansin-pansin ang naunuyo mong puso
Batid kong sa pag-ibig ay salat ito
Tanging hinagpis ang dumadaloy rito.

Hinagpis na nagsisilbing pawis sa'yong puso
Namumuong hinanakit at kasawian ang mga ito
Pawis na maalat pa sa asin at matigas pa sa bato
Napadpad ka nga sa disyerto kaya uhaw ang iyong puso.

Para ka ring isang lawin sa disyerto na walang masisila
Palipad-lipad kung saan makahanap lang ng pagkain niya
Patuloy sa paglipad sapagkat walang madapuang sanga
Nanghihina sapagkat hindi mapalis pagkalam ng sikmura.

Subalit binibini 'wag kang mag-alala ako ay naririto
Handang maging tubig ang pagmamahal ko
Nang sa gayon mapalis ang nauuhaw mong puso
Kaya naman didiligin ko ng pag-ibig ang puso mo.

Binibini pag-mamahal ko ang magsisilbing panyo
Papahirin ko ang pawis na dumadaloy sa'yong puso
Pawis na puno ng sakit kaya puso ay nagdurugo
Pagmamahal ko ang papahid ng gayon pawis ng hinagpis ay matigil sa pagtulo.

Kung sa disyerto ikaw ang nag-iisang lawin
Binibini narito ang pag-ibig ko aking ipapain
Ipapain sa gutom mong puso at damdamin
Pag-ibig na iaalay ko sa'yo ang magsisilbi mong pagkain.

Binibini kung puso mo'y mistulang lawin sa disyerto na walang madapuan
Binibini narito ang pag-ibig ko pwede mong gawing pahingahan
Makaaasa kang kailanman ay 'di ka iiwan
Binibini narito ang pag-ibig ko maaari mong maging tahanan.

A Poem CompilationsWhere stories live. Discover now